Malinaw ang naging resulta ng katatapos lamang na General Election sa Italya, ngunit walang partido o koalisyon ang may sapat na bilang para mamahala sa bansa.
Namamayagpag ang Movimento 5 Stelle ni Luigi Di Maio bilang nangungunang partido sa bansa. Sinundan ito ang Lega Nord ni Matteo Salvini ng Center-right coalition.
Marami rin ang maituturing na bigo, nangunguna na dito ang Partito Demoratico na bumagsak sa 20% sa unang unang pagkakataon at ang Forza Italia na pinabagsak ng Movimeto 5 Stelle.
Bukod dito, Sa Camera o Chamber of Deputies, nangungunang partido rin ang Movimento 5 Stelle, 32.64%. Sinundan ito ng PD na nakakuha ng 18.71%, Lega Nord 17.4% at ang Forza Italia, 14.03% .
Sa Senado, kinumpirma muli ng Movimento 5 Stelle bilang nangungunang partido sa bansa, 32.18%; sinundan ng Lega, 17.64%; ang Forza Italia 17,64%. Kahit sa Senado ang PD ay hindi pa umabot sa 20% at huminto na sa 19.13%; habang ang koalisyon ng centre-left ay umabot lamang sa halos 23%.
Hindi naganap ang kinatatakutang hindi pagboto ng marami. Sa katunayan ay bumoto ang 73,01% ng mga botante sa Senado at 72.91% naman sa Camera: mas mababa lamang ng dalawang puntos kumpara sa naging eleksyon noong 2013 kung kailan bumoto ng dalawang araw.
Ngunit sa kabila nito, walang partido o koalisyon ang may sapat na bilang para mamahala sa bansa dahil sa kawalan ng overall majority.
Naitala naman ang mataas na bilang ng mga botante sa Centro-Nord, nangunguna ang Veneto 78.85% sa Senado at 78.72% naman sa Camera; sinundan ng Emilia-Romagna at Umbria. Sa South naman, partikular sa Sicily ay naitala ang mataas na bilang ng abstention, 62.99% sa Senado at 62.72% sa Camera.
Sa ginanap na General Election, ang mga Italians ay bumoto upang pumili ng 630 members ng Chamber of Deputies at 315 elective members ng Senado para sa ika-18 Lehislatura. Ngunit tulad ng nabanggit, walang koalisyon o sapat na bilang para sa overall majority: 316 Deputies at 158 Senators.
Ang center-right coalition ay inaasahang magkakaroon ng 140 posts sa Senado at 257 posts sa Camera, bilang na malayo para sa overall majority.
Bagaman nangungunang partido ang Movimento 5 Stelle ay maaari lamang magkaroon ito hanggang 119 sa Palazzo Madama at 240 sa Montecitorio. Samantala, ang center-left coalition, hanggang 55 sa Senado at hanggang 120 lamang sa Camera.
Sinasang-ayunan naman ng mga analysts na ang halalang ito ay ang pinakamalaking turning point ng bansa mula sa pagkakatatag ng tinatawag na Ikalawang Republika sa unang bahagi ng dekada 1990, kung kailan simulang nawalan ng tiwala ang mga botante sa nangungunang partido.
“Ngayon ang simula ng Third Republic at ito ay ang republika ng mga mamamayang Italyano,” unang deklarasyon ni Di Maio.
Samantala, deklarasyon naman ng pagbibitiw bilang leader ng Partito Democratico ang inanunsyo ni Matteo Renzi.
Gayunpaman, nakatakda sa March 23 ang unang Assembly sa Camera at Senado, kung saan, sa pamamagitan ng majority ay ihahalal ang mga presidente nito. Pagkatapos ay nakasalalay sa Presidente ng Republika, Sergio Matarella ang pagtatalaga ng bagong gobyerno at samakatwid ng bagong Premier.