Ang 40 anyos na Pinay ay suot ang isang modified jacket upang malampasan ang anti-theft control sa mall.
Isang 40 anyos na Pinay ang nahuli ng awtoridad sa pagnanakaw nito sa Borgogioioso shopping mall sa Carpi, Modena.
Ayon sa mga ulat, kahina-hinala ang paglabas ng Pinay mula sa shopping mall dahil sa tinutulak na baby stoller nito. Dahilan upang hingin ng staff ng mall ang tulong ng awtoridad upang makontrol ang Pinay.
Nasundan ng awtoridad ang sasakyan ng Pinay. At sa di kalayuan mula sa Via Nuova Ponente ay kinontrol ng mga pulis ang sasakyan nito.
Sa halip na bata ay ang mga gamit na ninakaw mula sa mall ang laman ng baby seat ang nakagitla sa mga pulis: isang dosenang bluetooth headsets, underwears, cosmetics at perfume na nagkakahalaga ng humigit kumulang na isang daang euros.
Ayon pa sa report, ang 40 anyos na Pinay ay suot umano ang isang modified jacket upang malampasan ang anti-theft control.