in

Refrigerator na hindi gagamit ng kuryente? Pinatunayan ng isang 17 anyos na Pinoy

Ito ang pinatunayan ni Joseph Jhouza Calicdan Pansoy sa kanyang proyekto. Ito ay nagwagi rin ng ikalawang premyo sa isang mahalagang European competition.

Refrigerator na hindi gagamit ng kuryente o “Frigo senza elettricità”, ito ang pangalan ng proyekto ni Joseph Jhouza Calicdan Pansoy, isang 17 anyos na Pilipino na nag-aaral ng Liceo Scientifico sa Empoli na nagwagi ng Ikalawang premyo sa ginanap na Erasmus + Simple, isang prestihiyosong European competition. Layunin ng nasabing kumpetisyon ang hikayatin ang mga mag-aaral na palalimin pa ang kaalaman sa agham ng limang bansang kalahok nito: Italy, France, Germany, Holland at Sweden.

Nanguna ang Sweden sa proyekto nitong “Feed the World” (o ang gamit ng maalat na tubig upang diligan ang mga halaman), pumangalawa si Pansoy, “Frigo senza elettricità” at pumatlo ang Germany, gamit naman ang mga recycled materials.

Ngunit paano nagawa ni Pansoy ang isakatuparan ang pagkakaroon ng isang refrigerator ng hindi gagamit ng kuryente?

Habang ako po ay naghuhugas ng mga kawali, ay pinagisipan at inobserbahan kong mabuti ang evaporation ng tubig sa kawali habang ito ay lumalamig, ayon kay Pansoy.  

Nagsimula kong tanungin ang aking sarili pati na rin ang aking mga propesor.

Kumuha ako ng isang malaking lata, iyung cylindrical, binalot ko ito ng absorbent cotton at wire mesh. Pagkatapos ay naglagay ako sa itaas nito ng isang bote ng tubig na aking binutasan gamit ang karayom. Sa pagpatak ng tubig sa bulak ay naging sanhi ito ng mas malamig na temperatura sa loob ng lata kumpara sa labas. Sa madaling salita, nababawasan ang init sa evaporation ng tubig at samakatwid ay lumalamig ang ibabaw nito. Natuklasan ko na kung sa labas ay 18° halimbawa, sa loob ng aking refrigerator ay 15° lamang. Makakatulong ngayong summer para mapanatiling presko ang ma prutas at iba pa”.

Bukod dito, naglagay si Pansoy ng isang palanggana sa ilalim ng refrigerator, upang hindi masayang ang tubig at muli itong magamit.

Sa maliit na halaga ay nakaimbento si Pansoy ng isang “summer fridge” at paulit-ulit pang magagamit.

Ito ay ang unang prototype lamang, ako po ay patuloy sa aking ginagawa upang ito ay higit na maging epektibo”.

Tinutulungan si Pansoy ng kanyang Science professor, Stefania Rigacci at ilan pang mga propesor.

 

Basahin rin:

Joseph Pansoy, ang Pinoy Taekwondo Instructor sa Empoli

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MABINI, ANG BAYAN KO

Mga Carta identità na papel, tatanggalin sa loob ng 2 taon