Mula Enero hanggang Abril 2018 o unang apat na buwan ng taon, ang Questura di Milano ay nagpatalsik ng 420 mga dayuhan at literalmente na inihatid sa kanilang sariling mga bansa.
Higit sa 3 katao araw-araw. Halos 25 sa isang linggo o 125 sa isang buwan.
Ito ay ayon kay Tiziana Liguori, ang head ng Immigration Office sa Via Fatebenefratelli, Milan.
Aniya “kung prebensyon at seguridad ang pag-uusapan ay hindi maiiwasang talakayin rin ang imigrasyon at ang mga kontrol na dapat gawin sa lungsod na nagpapahintulot na umabot sa ganitong kalaking bilang ng mga dayuhan”.
Ang 420 kataong nabanggit ay pawang hindi regular o mga walang angkop na dokumentasyon upang manatili sa Italya bukod pa sa pagkakaroon ng police report at pagiging banta sa seguridad ng publiko.
Sa katunayan, matapos makontrol ang higit sa 400 katao, sila ay dinala sa expulsion center at doon ay isa-isang sinusuri ang bawat kaso.
Kumpara sa nakaraang taon, ang pagpapatalsik sa Milan ay higit na mas mabigat ngayong taon. Sa katunayan, sa buong taon ng 2017 ay umabot sa 1200 ang bilang ng mga pinatalsik at kung magpapatuloy ang ritmo ng kontrol sa mga dayuhan ay marahil umabot sa bilang na 1300.