in

Mga Pinoy sa Roma, lumahok sa Maratona di Roma

Lumahok ang ma Pilipino at kabilang sa 131 nasyunalidad na nakiisa sa ika-24 edisyon ng Maratona di Roma kung saan nagpatala ang 14,000 mga runners.

Sila ay ang mga Pilipino na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Italya at Europa at ang ilan ay European citizens na at lumahok na ng ilang beses sa Maratona di Roma.

Sinimulan sa via dei Fori Imperiali ang tatlong set ng mga runners: mga atleta, mga person with disabilities at ang mga lumahok sa fun run.

Tinahak ang higit sa 500 historical, archeological at architectonical sites sa 42.195 kms ng marathon. Kasabay ng magandang panahon ay lumahok ang halos 14,000 runners at humigit kumulang 6,000 naman ang mga dayuhan.

Parehong Ethiopian ang nanalo sa men at women division: si Cosmas Jairus Kipchoge Birech at si Rahma Chota Tusa.

Kaugnay nito, lahat ng runners na nakatapos at umabot sa finish line ay binigyan ng finisher certificate.

Samantala, nasa ika-11 edisyon naman ang kumpitisyon ng mga person with disabilities, sakay ng mga pinakamodernong mga handbike. Nagtagumpay asa wheelchair category ang Spanish na si Rafael Botello Jimenez at ang Dutch na si Margriet Van Dan Broek. Sa handbiker naman ay nanguna si Mauro Cratassa, ang 52 anyos na mula Italya.

Alas 9.10 naman ay sinimulan ang Stracittadina. Ito ay isang Fun-Run na bukas para sa lahat at may habang 5 na kilometro kung saan halos 80,000 ang mga partisipante.

Sa katunayan ang Maratona di Roma ay hindi lamang tumutukoy sa kumpetisyon ng mga atleta. Bahagi na rin ng tradisyon ang samang-samang pagtakbo at pagdiriwang ng libu-libong lumalahok sa La Stracittadina, o ang Fun Runna tila isang araw ng pamamasyal sa sentro ng Roma kung saan tatahakin ng mga non-competitive marathoners ang mga historical, archeological at architectonical sites ng lungsod na sarado sa mga pribado at publikong sasakyan.

Ang Italia Marathon Club, organizer ng Maratona di Roma at Fun Run, kasama ang mga piling promoters sa iba’t ibang komunidad ay nilayong hikayatin ang lahat sa magandang karanasang ito tulad ng mga pamilya, mga mag-aaral, magkakaibigan, kamag-anak o kapitbahay, kasama sa grupo o asosasyon, bata o matanda man.

Kaugnay nito, sa kasaysayan ng La Stracittadina ay binigyang pagkakataon ang isang Pinay na maging promoter nito sa komunidad, si Alona Cochon,tubong Tarlac City, 20 taon ng naninirahan sa Roma at kilalang event organizer sa komunidad, dahilan ng malawakang partesipasyon ng maraming Pilipino sa unang pagkakataon.

Si Alona Cochon, ang promoter sa filipino community ng fun run kasama si Mr. Castrucci, isa sa mga organizer ng Maratona di Roma

Sa katunayan ay binigyang parangal ang filipino community sa naging partesipasyon nito sa La Stracittadina.

Ang ika-24 Maratona di Roma ay opisyal na binuksan ni Mayor Virginia Raggi ng Roma at ni Provincial president na si Nicola Zingaretti. Sa katunayan, kapansin-pansin ang larawan ni Zingaretti dala ang bandila ng Pilipinas.

Si Nicola Zingaretti, dala ang maliit na philippine flag

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Consulta dei Migranti, itinalaga sa Catania

Anibersaryo ng Guardians International Vatican City at GI-National Legion, sabay na ipinagdiwang