Kung ang flores de mayo ay ipinagdiriwang sa buong buwan ng mayo, ang Santacruzan naman ay isinasagawa sa huling araw ng Mayo. Isinasagawa ang makulay na prusisyon na ito upang muling isabuhay ang paghahanap ni Reyna Elena, kasama ang kanyang anak na si Constantino, sa Krus ng Panginoong Hesukristo. Ayon sa paniniwala, matapos matagumpayan ng Reyna ang paghahanap sa banal na krus ay nagsagawa ang mga sinaunang kristiyano ng malaking pagdiriwang at parada na siyang naging simula ng ating mayamang tradisyon ng santacruzan.
Kabilang rin sa makukulay na karakter sa prusisyon sina Reyna Banderada, Reyna Esperanza, Reyna Abogada, Reyna Justicia, Divina Pastora, Reyna de las Estrellas, Reyna de las Flores, atbp. mahigit 30 kalahok sa kabuuan, na karaniwang binibigyang buhay ng mga miyembro ng komunidad.
Ang isinagawang Santacruzan ngayon sa SENTRO KATOLIKO FILIPINO – SANT’ANDREA ng EMPOLI ay umabot na sa kanilang ika anim na taon. Isang biyaya para sa isang komunidad ang magkaroon ng pastol na hindi kailanman nagpabaya sa kanyang mga nasasakupan.
Tuwing ipinagdiriwang ang Santacruzan sa Empoli ay pumipili ng bagong kalahok na magdadala ng titolo ng Reyna Elena. Ngayong taong 2018 ang nabunot na Reyna Elena ay mula sa komunidad ng SFACC Pistoia na si Mely Rose Falo, Reyna delas Flores naman si Annette Acuzar, at ang gumanap na Constantino ay si Mcvonn Acuzar.
May mga importanteng panauhin na nagpatingkad pang lalo sa makulay nang kaganapan. Dumating ang obispo ng Diocese ng San Miniato na si Mons. Andrea Migliavacca, Hon. Charlie Mananganang Chargé d’Affaires and Chief of MissionPhilippine Embassy to the Holy See – Vatican City, at Hon. Dott. Fabio Fanfani, ang Consul General ad honoremng Pilipinas para sa Toscana, Umbria, Marche, Emilia Romagna at Republic of San Marino. Nakiisa din si Ms. Elijah Nicole Melo, ang ating Miss International Tourism 2018 na lalaban sa Bulgaria sa ika-15 ng buwan ng hunyo.
Habang isinasagawa ang parada sa centro storico ng Empoli ay nagdarasal din ng rosaryo ang mga tao bilang pagalala at pagpapasalamat sa mga biyayang natnggap sa taong ito sa pamamagitan ng dakilang Ina ng tagapagligtas.
Ang pagdiriwang na ito ay mahalaga sapagkat ang chaplain ng sentro katoliko filipino na si Fr.Cris Crisostomoay nagdiwang ng ika-15 na taong anibersaryo ng pagkapari.
Mensahe ng chaplain sa mga mananampalataya na huwag kaligtaan na ang mga pagdiriwang na ito ay hindi fashion showso beauty pageantkundi mga prusisyong relihiyoso na nagsimula noong sinaunang panahon at marapat lamang na panatilihin ang pagkasagrado at kataimtiman sa kanilang pakikisa sa mga selebrasyon ngayong masayang buwan ng Mayo.
Quintin Kentz Cavite Jr