in

AGUMAN FIRENZE, may bagong pamunuan

Ang Aguman Kapampangan Firenze, samahan ng mga kapampangan sa Firenze ay opisyal na naitatag noong taong 2014. Makikita ang kanilang pagkakaisa at ang maayos na pagtaguyod ng asosasyon na bigkis  ng iisang layunin, ang makapagbigay sa abot ng kanilang makakaya ng mga kinakailangang at kaukulang tulong sa mga nangangailangan lalong lalo na sa mga kababayan sa Pilipinas.

Ang pinakafounder ng grupo ay si Willy Franco Punzalan. Kilala ang samahang ito ng mga kapampangan sa iba’t-ibang parte ng Toskana dahil hindi sila nagdadalawang isip na tumulong o makiisa sa anumang aktibidades ng ibang mga asosasyon. Laging nakalahad ang kanilang mga kamay sa tuwing lalapitan ng mga kinatawan ng ibang samahan. Ang Guardians Emigrant ng Montecatini Terme at ang San Barnaba Church Firenze ay ilan lamang sa mga direktang nakatanggap ng tulong mula sa kanilang mga mapagkawanggawang mga kamay.

Mula ng maitatag ang grupo ay marami na silang natulungang mga beneficiaries. Kamakailan lamang ay nagorganisa sila ng cocktail partyupang makalakap ng pondo para makapagbigay tulong pinansyal sa mga magaaral ng Concepcion mexico Pampanga Elementary School.

Makalipas ang ilang taong pamamalakad ng nakalipas na administrasyon, sa ilalim pa rin ng gabay ng samahan na si Willy Punzalan, muling nagamit ng mga kasapi ang kanilang karapatang ihalal ang kanilang bagong pamunuan noong ika-27 ng buwan ng Mayo. Ang bagong pamunuan ay binubuo ng mga sumusunod na bagong halal.

Presidente: Jesus Tongol

Vice Pres: Richard Ocampo Roman

Secretaries: Edna Pasamonte

Auditors: Maribeth Dizon, Ariel Santos, Jelly Magugat

Treasurers: Adelfa Punzalan, Rhona Punzalan, Lorna Garcia

PRO: Perry Punzalan, Dennis Punzalan, Darrel Pare

Inaasahang ang samahan ng Aguman Firenze na para sa mga kasapi ay isang tunay na pamilya, sa tulong ng bagong halal na pamunuan, ay magbibigay pa ng mas hitik na bunga sa taong ito at sa mga susunod pa. “Abe abe, saup saup”! kayang kaya basta’t sama-sama!

 

Quintin Kentz Cavite Jr.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nawalan ng trabaho, paano ang renewal ng permit to stay?

Contact number ng INAIL, bago na simula sa July 1