in

DID o Dichiarazione di Immediata Disponibilta’, ang halaga nito sa issuance ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

Ang dayuhang nawalan ng trabaho ay kailangang gawin ang registration online ng DID o Dichiarazione di Immediata Disponibilita’. Narito ang mga hakbang na dapat gawin sa pagkakaroon ng permesso di aoggiorno per attesa occupazione. 

Ang isang dayuhang manggagawa na mayroong permesso di soggiorno per lavoro subordinato na nawalan ng trabaho, o kahit sa kasong nagbitiw sa trabaho, ay maaaring isyuhan  ng permesso di soggiorno per attesa occupazione na balido ng isang taon sa expiration ng hawak na permit to stay.

Ang unang hakbang na dapat gawin ay ang pagkakaroon ng DID o Dichiarazione di immediata disponibilità o immediate availability declaration.  

Ito ay ang bagong paraan ng registration, simula noong Disyembre 2017, para magkaroon ng stato di disoccupazione. Ito ay mahalaga rin sa pagtanggap ng serbisyo sa mga unemployment offices o Centri per l’Impiego, ang dating Ufficio di Collocamento.

Ang DID ay maaaring gawin online sa website na www.anpal.gov.it at hindi na sa Centro per l’Impiego tulad sa nakaraan.

Pagkatapos ay kailangang magtungo sa Employment Center- Centro per l’Impiego para i-validate ang registration. Sa parehong tanggapan, sa pamamagitan ng DID, ay gagawin ang isang personalized agreement/contract sa pagitan ng unemployed at Centro per l’Impiego. Ito ay tumutukoy sa isang individual course na makakatulong sa employment reintegration sa labor market.

Samakatwid, ang DID ay ang unang hakbang sa pagtanggap ng serbisyo sa mga unemployment offices o Centri per l’Impiego.

At ang mga hakbang na nabanggit ang magpapahintulot sa walang trabaho ang makapag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione ng walang anumang problema.

Tandaan na ang mga nabanggit na hakbang ay kailangang gawin habang balido ang hawak na permit to stay. 

Gayunpaman, kung ang hawak na permit to stay ng dayuhan ay balido pa, matapos magkaroon ng DID, ang worker ay maaaring maghanap muli ng trabaho na hindi kakailanganin ang palitan o baguhin ang hawak na permit to stay.

Bago ang expiration ng hawak na permit to stay, kung hindi man nakakita ng bagong trabaho o employer, ang dayuhan ay maaaring mag-aplay sa conversion ng hawak na dokumento sa permesso per attesa occupazione gamit ang kit na matatagpuan sa Sportello Amico ng mga post offices. Bukod sa sinagutang mga forms na matatagpuan sa loob ng kit, ay kailangang ilakip ang kopya ng permit to stay, pasaporte at ang SAP o Scheda Anagrafico Professionale na inisyu ng Centro per l’Impiego.

Ang Questura, matapos gawin ang mga kinakailangang pagsusuri, ay ibibigay ang permesso di soggiorno per attesa occupazione na balido ng isang taon.

Tandaan na ang permesso per attesa occupazione, ay maaaring marenew tatlong buwan bago muling mag-expire o sa loob ng dalawang buwan matapos itong mag-expire, sa pagkakaroon lamang ng bagong employment contract.

Maaaring i-convert ang hawak na permit to stay per attesa occupazione habang ito ay balido sakaling hindi makakita ng bagong employment sa motivi familiari sa pagkakaroon ng sapat na requirements tulad ng angkop na tirahan, marriage certificate na translated at legalized ng italian embassy sa kasong mag-asawa, birth certficate sa kasong anak at magulang at sapat na sahod ng miyembro ng pamilya na magpo-proseso ng coesione motivi familiari.

 

PGA

at Liza Bueno

 

Basahin rin:

Dichiarazione di Immediata Disponibilità, ano ito at ano ang halaga nito?

Coesione familiare, ano ito?

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Filipino Women’s League ng Bologna, inspirasyon ng mga Kababaihan

Decreto Flussi 2019, nasa Official Gazette na!