Nalalapit at handang handa na ang “Decreto Salvini, pacchetto sicurezza e migranti”. Ilang araw na lamang at ang draft nito na pinag-aralang mabuti ng Minister of Interior ay sasailalim sa mga huling pagsusuri bago tuluyang iharap sa Council of Ministers na inaasahan sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa ilang mga pahayagan, ito umano ay tumutukoy sa isang dekreto na malaki ang magiging epekto at magbabago sa maraming aspeto, partikular sa batas sa imigrasyon at magbibigay limitasyon sa mga karapatan ng mga refugees, kung maaaprubahan tulad ng pangunahing layunin nito.
Narito ang siyam na mga pangunahing punto:
- Doblehin ang panahon ng pananatili ng mga irregulars sa mga CPR o Centri per Rimpatri at hindi na hanggang tatlong buwan bagkus ay hanggang anim na buwan. Ang kasalukuyang panahon ng maximum na 3 buwan ay hindi nagpapahintulot na magawa ang kinakailangang pagkilala sa mga migrante dahil sa kakulangan ng panahon.
Ang 180 days na nasasaad sa decreto Salvini ay kinakailangan upang maging epektibo ang proseso ng identification at expulsion.
Ikalawang motibo ng pagpapahaba ng panahon ng pananatili dito ay upang maging epektibo ang pagpapatalsik sa mga irregular na migrante at dahil dito ay mababawasan ang mga magbubuwis ng buhay upang tawidin ang karagatan para sa karapatan ng asylum. Ang paramihin ang CPR o Centri per Rimpatri ay layong pagaanin ang tambak at nabinbing trabaho. Ayon sa dekreto, ang mga sentro ay makikipag-ugnayan sa mga regional at local institution.
- Ang mga masasangkot sa malalang krimen ay hindi maaaring magpatuloy sa aplikasyon bilang refugees.
Partikular, ang dekreto ng Interior Minister ay nagsasaad ng mas malawak na mgas krimen na magpapahintulot sa refusal o rejection ng karapatan sa international protection.
- Pagtatanggal sa refugee status kung sakaling magbibiyahe sa country of origin;
- Pagtatanggal sa ricorsi reiterati o ulit na apela mula sa parehong tao para sa international protection;
- Paghihigpit sa regulasyon sa pagbibigay ng humanitarian permit to stay;
- Extension ng isang taon para sa paglulunsad ng mandate para sa testo unico asilo o batas sa asylum;
- Pagtatanggal sa mga asylum seeker sa anagrafe;
- Pagtatatag sa ilang prefecture para sa “Dublin section”
- Pagtanggap sa Sprar ng mga mayroong international protection lamang at hindi kabilang ang mga mayroong humanitarian protection;
PGA