Isang babala mula sa Inps sa pamamagitan ng website nito at social media ukol sa lumalalang scam.
Napag-alaman ng Inps, batay na rin sa report ng mga mamamayan, ang kumakalat sa kasalukuyan na scam.
Ang scam ay sa iba’t ibang paraan: sa pamamagitan ng email kung saan humihingi ng refund, tawag sa telepono ng mga umanoy opisyal ng INPS kung saan binabawi ang halagang ibinigay ng ahensya ngunit hindi dapat matanggap umano ng mamamayan.
“Anuman ang pamamaraan, ito ay nananatiling panloloko at hangaring makuha ang mahahalagang impormasyon tulad ng bank account at personal datas”, ayon sa Inps.
Ipinapaalala sa anunsyo na ang Inps ay hindi humihingi ng bank account sa sinuman sa pamamagitan ng tawag sa telepono, kahit sa pamamagitan ng email na madaling maging sanhi ng data theft at lalong higit sa pamamagitan ng ‘porta a porta’ o door to door.
Anumang tulad ng mga nabanggit ay huwag pakinggan bagkus ay ipagbigay-alam sa tanggapan at i-report sa awtoridad.