in

Basketball One Day League, dinumog ng mga manonood

Dinumog ng mga manonood ang ginanap na Basketball One Day League sa Florence.

Umaatikabo at naging mainit ang Championship sa pagitan ng San Agustin Alaminos vs. Tropang Ilokano. Dalawa lamang ang naging lamang ng San Agustin para maging kampyon ng Liga. Isang free throw na dalawang puntos ang nagpanalo matapos ang parehas na iskor sa nalalabing tatlong segundo. Sa simula pa lamang ng laro, nagpapalitan ng ungos sa isa’t-isa ang dalawang koponan.

Pinangunahan ng OFW Watch Tuscany, sa pamamuno ng Presidente nito na si Rey Reyes ang naganap na One Day League. Kasama ng Tserman Ng Komite sa Sports na si Edwin Pardo Sangalang, naging matagumpay, matiwasay at napakasaya ng kinahinatnan ng palaro.

Kalahok ang Red Soil, Mindorenians, Quezonians, San Agustin Alaminos, Aguman Kapampangan at ang Tropang Ilokano na pawang mga lehitimong organisasyon sa Firenze. Bumuhos ang suporta ng kani-kaniyang mga miyembro ng samahan at pamilya. Nagmistulang piyesta sa dami ng ofw na nagsidatingan, pagkain at mga kakanin na niluto sa kani-kanilang tahanan.

Ang bawat koponan ay pinagkalooban ng plake. May pagkilala din na ginawad tulad ng Best in Uniform na pinanalunan ng Red Soil, Best Muse na nakuha ng Quezonian at Face of the Day Krystina Castillo na pinili mula sa mga manonood at Best Coach si G. Gerry Donato.. MVP naman si Jr Ang na nagmula sa San Agustin Alaminos kasama ang apat pa ,para kumpletohin ang Mythical Five na sina Duval Manigbas, Jerome Juan, Dave Tabuso, Afhard dela Fuente at Dennis Macsebejon..

Nasa ikalawang pwesto ang Mindorenians, pumangatlo ang Quezonians, pang-apat ang Aguman Kapampanagan at ang Red Soil na nagbanta agad na sa susunod na paliga ay aagawin ang Tropeo.

Bago pa man nagsimula, nagpaalala ang Bise Presidente ng OFW Watch Tuscany na si G. Leovino Ortega na “handog namin ang palarong ito para sa ating mga kapwa OFW dito sa Firenze. Magpakahusay kayo sa paglalaro. Maging mahinahon at umani ng kaibigan sa paliga na ito”.

Ginanap ang palaro sa Palestra Tadeo Valenti syudad ng Firenze, araw ng linggo Oktubre 14, 2018.

 

Ibarra Banaag

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Buoni Libri, ibibigay lamang sa mga dayuhan sa pagkakaroon ng certificate

Journalism Seminar, idinaos sa Florence