in

Autumn Bloom, ang tagumpay na fashion show sa Milan

Ang Milan ay kilalang fashion capital ng Italy. Isa ito sa apat na fashion icons sa buong mundo kasama ang France, United Kingdom at United States. Dahil dito, hindi nagpahuli ang ating mga kababayan sa Milan at ipinakita rin nila na kaya nilang makipagsabayan sa mga latest trends.

Isa na rito si Jocelyn Gacad, founder ng Athea Couture. Siya ay nagdedesenyo ng iba’t ibang damit mula sa mga pambata hanggang sa mga adults

Sa kanyang inorganisang fashion show na may temang “Autumn Bloom”, mahigit 45 modelo, na nasa 5 taong gulang hanggang 25 taong gulang, ang rumampa upang ipakita ang iba’t ibang disenyo ni Gacad,

Gusto kong ipakita ang aking mga collections 2018-2019 sa mga kababayan natin at mga Italiano”.

Ang mga gowns na suot ng mga modelo hanggang sa mga mens wear ay may matitingkad na kulay na siyang tumutugma sa tema ng nasabing event.

Proud parents din ang mga rumampang modelo lalo na’t nakikita nilang bagay sa kanila ang mga suot nilang mga designed gowns and mens wear ng Athea Couture.

“Napakaganda ng designed gown na suot ng aking anak”, pagmamalaking wika ni Claire delos Reyes

“Elegant ang mga design gowns pati mga suot ng mga kalalakihan na puwedeng ipagmalaki ito sa buong mundo na pinay ang designer”, ani White Bartolo OFW.

Pagkatapos ng show ay kanya kanyang pumunta sa gitna ang mga parents at mga kaibigan maging ang ilan bisitang Italiano upang mag pakuha ng mga litrato kasama ang mga iba’t ibang modelo.

Ilan din sa kanila ang nakipag appointment na sa fashion designer upang magpatahi ng gown na gagamitin ng kanilang anak sa 18th birthday sa darating na buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Ang Athea Couture ay lumalahok sa iba’t ibang international fashion shows,isa na rito ang  taunang Cannes Fashion Week sa Monaco South of France.

At nakasama din niya sa isang fashion show sa Italy ang kilalang fashion designer na si Rene Salud sa pagdalaw sa Milan.

Sa mga darating pang mga buwan ay tutulak si Gacad sa iba’t ibang lugar dito sa Italy maging sa iba’t ibang bansa upang lumahok sa mga fashion show at ipagmalaki ang likha ng Pinoy.

“Inspirasyon ko ang aking anak na si Athea kaya umabot ako sa antas na ito. At kapag nakikita ko na gusto ng aking mga clients ang gawa ko, ay mas lalo ko pang pinag-iigihan ang trabaho, at higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa ating Panginoon”, pagwawakas ni Athea Couture founder.

 

Chet de Castro Valencia

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

RBGPII, ipinagbunyi ang ika-2 taong anibersaryo sa Firenze

Mga Pinoy, tinanghal na Best Designer at Best Model