in

Filipino Women’s Association Biella, nagdaos ng ika-4 na taong Anibersaryo

Ang Filipino Women’s Association Biella o FWAB ay nagdaos ng ika- 4 na taong anibersaryo.

Positive thinking. Love, Peace and Unity”, ang tema ng idinaos na annibersaryo na ginanap sa Agorà Palace Hotel, rehiyon ng Piemonte noong nakaraang Jan 5, 2019.

Ang nasabing pagtitipon ay sinimulan ni Sis. Angela Asuncion sa pambungad na panalangin at sinundan ng Philippine and Italian National anthems. Ang humawak sa Phil flag ay si Gng.Alice Bagiuo at sa Italian flag naman ay si Signor Paolo Bider.

Nagbigay ng pambungad na talumpati si Teresita Bautista Dela Cruz, pangulo ng nasabing assosasyon. Nagbahagi din ng magandang mensahe si Gng. Isabel Pastor at si Ms Marianne Leah Singson Par, ang 1st runner up Miss Earth 2018.

Ang samahan ng mga kababaihan, sa araw ng anibersaryo, mula sa pagpapalista ng mga pangalan ng mga dumalo nina Sec.Sally Morales at ni Asst. treas. Juliet Sana, sa pagsalubong sa mga panauhin nina Advicers,Maria Alegria Eltanal at si Gng.Liezle Morcozo hanggang sa simula ng programa ay higit na nakitaan ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa tagumpay ng nasabing okasyon.

Bukod dito, magkatuwang naman sa programa si VP Princesita R.Valencia at ang Emcee. Samantala, ang mga regalo para sa patimpalak ay inayos ng mga P.R.Os na sina Gloria Ramolete, Erna Villaluz at Emerlene Gallo.

Sertipiko ng Parangal 2018 ang natanggap nina Gng.Erma Villaluz at Emerlene Gallo.

Ang grupo ay nagpapasalamat ng marami sa mga tumayong hurado ng patimpalak na sina Paolo Bider, Costante Mussinelli, Jean Honrada Padilla,at Marianne Leah Singson Par at ganoon din kay Shirin De la Cruz Villaluz na nagsilbing DJ, at kay Rimmel She De la Cruz na naging Photographer.

Ang Filippino Women’s Association Biella ay tinatag noong ika 7 ng Enero 2014.na ang layunin ay para sa pag kakaisa, pasama sama, pagtutulungan ng mga kababaihan sa Biella Piemonte.

Sa pamamagitan ng matiyaga at masipag na pamumuno ng pangulo at pakikiisa ng grupo, ang samahan ay isa ring kasapi ng OFW Watch Italy.

Ang FWAB ay nagpapasalamat ng marami sa mga nagsidalo at nakisaya sa napakasayang okasyon.

 

Teresita Bautista Dela Cruz

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Holy Face of Jesus mula sa Pescara, pinaghimalaan ang isang bata sa Nampicuan, Nueva Ecija

Guardians Emigrant Montecatini, pamumunuan ng isang Lady Guardian