in

2019, mas maraming expulsion kaysa sa mga pumasok sa bansa na dayuhan

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Italya, mas marami ang naging expulsion kaysa sa bilang ng mga dumating sa Italya” – Matteo Salvini

Habang ang mga NGOs at mga boluntaryong ‘bounisti’ ay abala sa paninirang paglabag ko umano sa karapatang pantao at mga internasyonal na kasunduan, ay negatibo sa unang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Italya ang bilang ng mga dumating sa bansa at expulsion”.

Bagaman nasa Enero pa lamang ngunit batay umano sa mga datos na ito, ang estratehiya ng Gobyerno at ng Ministry of Interior ay tama at epektibong panglaban sa hindi makontrol na pagpasok ng mga dayuhan, partikular ang mga nagbubuwis ng buhay sa mga karagatan sa pagitan ng Libia at Italya sa taong 2018 na pinaka mababa ang naitala sa kasaysayan.

Dagdag pa ng Ministro na ang pagsasara umano ng mga pinto ng Italya ay nagtutulak sa mga dayuhan na magdalawang isip na makipagsapalaran at harapin ang karagatan.

Ito ang unang taon kung saan naitala ang mas maraming expulsion kaysa sa pagpasok ng mga dayuhan. 155 ang mga pumasok ngunit 221 naman ang mga pinatalsik, kung saan idadagdag pa ang 368 sa mga  napigilang pumasok sa mga frontier”, paliwanag ni Salvini sa isang press conference sa Viminale kamakailan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bilang ng mga dayuhang tatanggap ng Reddito di Cittadinanza, tumaas pa

Halaga ng Assegno Sociale 2019, itinaas sa € 458,00