in

Ang bagong halaga ng kontribusyon sa taong 2019

Sa Circular 16 noong Feb 1, ay inilathala ng Inps ang komunikasyon ukol sa mga bagong halaga ng kontribusyon ng mga colf na dapat bayaran ng mga employer.

Halagang tumaas ng 1.1% kasabay ng bahagyang pagtaas ng minimum wage sa taong ito sa ginawang assessment ng collective contract ng mga kinatawan ng mga manggagawa, employers at kasalukuyang gobyerno.

Lahat ng ito ay nagsisimula ng Jan 1, 2019.

Ang social security contribution para sa mga colf ay isang obligasyon ng employer na dapat bayaran quarterly: mula 1-10 ng buwan ng April, July, October at January.

Upang malaman kung magkano ang halagang dapat bayarang kontribusyon ay mayroong dalawang paraan ang mga employer:

Ang kalkulasyon kung magkano ang dapat bayaran ng employer sa Inps ay batay sa uri ng kontrata: kung ito ay tempo determinato o indeterminato.

Ang kalkulasyon ng kontribusyon para sa domestic job na may contratto a tempo determinato sa katunayan ay mas mataas ng 1.40% dahil sa contributo aggiuntivo para sa kaso ng unemployment.

Upang makalkula ang kontribusyon ng colf ay kailangang isaalang-alang ang sahod na pinagkasunduan, ang 13° month pay, ang kabuuang oras sa 13 linggo o ang 3 buwan at ang itinalagang halaga para sa board and lodging.

Ang kalkulasyon ay iba sa kasong ang trabaho ng colf ay hindi lalampas sa 24 hrs sa isang linggo, ang halaga ng kontribusyon kada oras ay batay sa 3 magkakaibang antas ng sahod. Samantala sa kasong ang trabaho naman ay mula 24 hrs sa isang linggo, ang kontribusyon ay fixed at hindi batay sa sahod.

Basahin rin:

Halaga ng kontribusyon sa domestic job, kalkulahin gamit ang software ng Inps

Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico, aktibo na para sa mga employers ng domestic jobs

Minimum Wage sa Domestic Job ngayong 2019

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang impormasyon ukol sa Decreto Flussi 2019, tinalakay ni Salvini

Certified List of Voters sa Milan at North Italy, inilabas na ng PCG Milan