in

Miranda Project, inilunsad sa Roma

Inilunsad nitong Enero ang “Miranda Project” sa isa  sa pinakamahalagang museo sa Roma, ang Museo delle Arti e Tradizioni Popolari, na dinaluhan at dinayo ng mga kababayang buhat sa Roma, Napoli, Marche, Bologna at Milan.

Ang proyekto ay ukol sa Training Course on Prevention, Healthcare and Safety of Ofws in Italy. Tatlong bagay na tanging layunin ay maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kalusugan, mapanatiling malusog at malayo sa karamdaman pati na rin ang tamang pamamaraan kung paano haharapin ang anumang emerhensya. “Health is Wealth” ika nga. Lalo na sa ating mga overseas Filipinos na tanging puhunan ay ang malakas na pangangatawan.

Para po ito sa kaalaman natin at matutunan kung paano natin isasalba ang ating mga sarili sa biglaang atake o insidente sa trabaho at bahay”, ayon kay Kali Miranda Jr, ang chairman ng Kilusang Pagbabago (KP) Italy.

Suportado ng Embahada ng Pilipinas sa Italya ang proyekto sa pangunguna ni H.E. Ambassador Domingo Nolasco, Labor Attachè Lynn Siclot at OWWA Welfare Officer Hector Cruz. Dala rin ng Amabssador ang mahalagang mensahe buhat kay Secretary of Foreign Affairs Teodor Locsin.

Hatid naman ni H.E. Ambassador Grace Princesa ang 5 F’s na dapat pahalagahan ng bawat Pilipino: Faith, Filipino-ness, Family, Finance at Fitness.

Isang mahalagang tema ang pangangalaga sa kalusugan dahil ito ang susi at simula ng malusog at maunlad na komunidad”, ayon kay Hon Antonello Aurigemma, Regional Councilor.

Alalahanin nating ang prebensyon ay mas mainam kaysa sa paggamot”, paalala pa ng panauhing pandangal.

“Kami sa Regione Lazio ay handang makipagtulungan at handa sa anumang kalaborasyon lalo na’t ang Filipino community ay isa sa maituturing na integrated na komunidad”, dagdag pa nito.

Sa pakikipagtulungan ng Team Evolution, ay nagbigay ng maikling kurso si Dr. Gabrielle Ordine ukol sa Sakit sa Puso partikular ang heart attack at stroke. Aniya 90% ng mga nabanggit na sakit ay maaaring iwasan at ang naging sanhi nito ay ang kakulangan ng kaalaman ukol dito. Kung kaya’t ipinaliwanag ng guest speaker ang kung paano kikilalanin, lalabanan at iiwasan at gagamutin ang karamdaman.

Nagbigay rin ng maikling pananalita si Stefano Piccone, isang Disaster Manager.

Ang mga ganitong uri ng talakayan ay tunay na kapaki-pakinabang dahil ang mga emerhensya ay dumarating na walang babala at hindi tayo dapat maharap sa mga ito na walang anumang kaukulang preparasyon”, aniya

Ang tamang kaalaman sa ganitong mga sitwasyon ay makakatulong sa madaliang pagtugon sa pangangailangan ng bawat isa, mababawasan ang pagpapanic na kadalasan ay nagiging sanhi ng mas kumplikadong sitwasyon.

Sa pagtatapos ng training course ay ginawaran ng sertipiko ang lahat ng dumalo kasabay ang paghahayag ni Miranda sa nalalapit na libre at kumpletong kurso sa mga Pilipino ng BLST o Basic Life Support Training, sa pakikipagtulungan nina Simone Iadeluca at Luza Tazza ng Team Evolution, kilalang kumpanya sa larangan ng Consultancy, Formation at Services.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reflections, ang obra ni Jerico sa Casal de’pazzi Museum

Papel, kutsara, baso at pinggan, binigyang kwento at ginawang obra ni Christian