in

The Fashion Show 2019, tagumpay sa Roma!

Iba talaga ang dugong Pinoy! Hindi maipagkakailang kilala ang mga Pilipino sa buong mundo. Ngunit aakalain mo bang pati sa mundo ng “fashion” ay hindi rin papakabog ang mga Pilipino sa Italya?

Maituturing na isang malaking tagumpay at pang world class ang katatapos lamang na The Fashion Show 2019 by Lionell Christian Lanuzo na ginanap sa Roma kamakailan.

Muling nagpasiklab si Lionell Christian Lanuzo sa ginanap na The Fashion Show kung saan tampok ang mga pambihirang creations ng designer.

Namangha ang lahat – Italians, Romanians, Filipinos – dahil sa bawat rampa ng 11 modelo ay pataas ng pataas ang kwalidad, kapansin-pansin ang bawat detalye at originality, bukod pa sa mga gamit na materyales at gawang-kamay na mga obra nito.

Mula casual dress sa evening gown, mula traditional sa modern barongs at ang mga pambihirang filipiniana dress na yari sa papel, plastic spoons at capiz ay umani ng mga papuri mula sa mga dumalo. Partikular mula s mga sponsors ng event na tuwang-tuwa sa pagiging bahagi nito at nagpahiwatig na rin ng interes sa mga susunod na fashion shows.

Avrà un futuro nel settore”, komento ng isang Italian sponsor.

Inorganisa ng Associazione Culturale Il Mondo Blu at Alona Cochon Entertainment Group, ang nasabing fashion show ay suportado rin ng iba’t ibang institusyon tulad ng Municipio 1 Comune di Roma, Accademia Costantina. Sa katunayan, isa sa panauhing pandangal si H.E. Amabassador Grace Princesa ng Philippine Embassy to the Holy See, bukod pa sa mga matutunog na pangalan sa larangan ng fashion.

L’arte unisce I popoli”, ayon kay Mihaela Mitrut, isang Romanian at presidente ng Il Mondo Blu Associazione. “Sa larangan ng Sining, walang hahadlang. Hindi ang nasyunalidad o wika bagkus ay ang mensaheng hatid nito”, dagdag pa ni Mihaela. “Ito ang layunin ng aming asosasyon. Anuman ang nasyunalidad, handa kaming tumulong upang ipakilala sa buong mundo bukod sa husay at talento ay ang pagkakaisa”.

Samantala, lubos naman ang galak ni Christian dahil sa marami ang nagpaunlak sa show.

Bilang isang nangangarap at patuloy pa na nangangarap, isa itong bagay na di ko inaasahan. Salamat sa matagumpay na The Fashion Show 2019 at salamat sa lahat ng nagtiwala sa aking kakayanan at namahala sa organisasyon ng okasyong ito tulad ni Genwen Tuason, ang make-up artist”.

Isang pangako na patuloy po akong magiging inspirasyon upang ipakita ang gawang Pinoy sa buong mundo. Mensahe ng pagsusumikap at  pagtitiwala sa sariling kakayanan at walang imposible talaga sa Panginoon.

Matatandaang si Christian ay ang tinanghal na Multi-ethnic Fashion designer sa ginanap na kumpetisyon noong nakaraang Oktubre.

Pagkatapos ng event ay dumagsa rin ang mga congratulatory messages sa social media.

So proud of you Christian to the team and to all the Models. A job well done”. Dulce Robles Mendoza.
Ho assistito alla sfilata  a Roma. Ho visto il Top Creativo dello Stilista Lionell Christian P. Lanuzo. Complimenti anche anche al suo staff, bravi tutti!” – Michelle Addante.

 

PGA

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Papel, kutsara, baso at pinggan, binigyang kwento at ginawang obra ni Christian

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Required salary 2019 sa pag-aaplay ng Permesso CE Soggiornanti di lungo periodo