in

Multa ng € 1398 sa mage-empleyo ng undocumented

Katumbas ng € 1398,00 na multa sa mga employer na mage-empleyo sa mga dayuhang undocumented.

Ito ang nasasaad sa dekreto na opisyal na inilathala sa Official Gazette kamakailan na pirmado ni Interior Minister Matteo Salvini, kasama sina Alfonso Bonafede, Giovanni Tria at Luigi Di Maio. Lakip nito ang Implementing Rules at Guidelines ng EU bilang 52 ng 2009.

Ang halaga ng multa ay katumbas ng average amount ng repatriation “para sa bawat dayuhang ie-empleyo na hindi regular”, na ayon sa kalkulasyon para sa taong 2018 ay katumbas ng € 1.398.

Ang average amount ng repatriation ay ia-update tuwing Jan 30 taun-taon.

Ang bagong halaga ng multa ay ipapatupad simula March 2.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Required salary 2019 sa pag-aaplay ng Permesso CE Soggiornanti di lungo periodo

Ako ay Pilipino

Hindi natanggap ang liham mula sa Comune, paano ang italian citizenship makalipas ang 18 anyos?