Ang pagdating ng mainit na panahon ay naging sanhi ng maagang pagkahinog sa mga pananim at prutas na nanganganib na hindi maani sa tamang panahon kung hindi masisimulan ang awtorisasyon sa pagpasok ng mga seasonal workers.
Ito ang deklarasyon ng Confederazione Nazionale Coltivatori Diretti o Coldiretti na humihiling ng agarang aprubasyon ng Decreto Flussi 2019 na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga laborers mula sa labas ng bansa. Aniya, ito ay tumutukoy sa pangangailangan para sa agrikultura ng Italya kung saan ang mga foreign workers ay kumakatawan sa ¼ ng kinakailangang labor force sa sektor, bigay-diin pa ni Coldiretti.
Maraming mga rural areas kung saan ang mga manggagawang imigrante ay mahalagang bahagi na ng ekonomiya at ng lipunan tulad ng pag-aani ng strawberry sa Veronese, mansanas sa Trentino, prutas sa Emilia Romagna, ubas sa Piemonte, paghahanda ng mga barbatelle sa Friuli, hanggang sa paggawa ng gatas sa Lombardia kung saan ang trabahong ito ay karaniwang ginagawa ng mga Indians.
Ang klima – patuloy pa ng Coldiretti – ay lumalala sa pagkakaantala ng flussi na kumpara noong nakaraang taon ay sinimulan ang pagsusumite ng aplikasyon o click day ng Jan 31.
Noong 2018 – dagdag pa ni Coldiretti – ay binigyan ng awtorisadong ang pagpasok ng 18,000 seasonal workers mula sa mga bansang Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republika ng Korea), Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Etiopia, Ex Jugoslavia Republic Macedonia, Pilipinas, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Marocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ucraine.
Ang karamihan – pagtatapos ni Coldiretti – ay nakahanap ng trabaho sa agrikultura at turismo na sektor na higit na nagbibigay na pagkakataon sa trabaho.