in

Colf na nag-trabaho ng ‘nero’ at walang nasusulat na katibayan, maaari bang ihabla ang employer?

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Ang colf na nagta-trabaho ng ‘nero’ sa isang pamilya na mapapatunayan ito kahit hindi sa pamamagitan ng mga tinanggap na sahod ay maaari pa ring ihabla ang employer partikular para sa hindi binayarang kontribusyon at ferie o bakasyon.  

Ang isang part-timer, sa bahay man o sa opisina, ay obligadong regular ang employment sa pamamagitan ng pagre-report o ‘denuncia’ sa Inps lakip ang mga kailangang dokumentasyon. Kung hindi, ito ay tinatawag na ‘lavoro nero’ dahil walang regular na employment.

Ito ay kinumpirma ng isang ordinansa ng Cassazione na naglilinaw kung ano ang mga epekto sa hindi pagre-regular sa isang colf.

Anuman ang antas ng colf at anumang panahon hanggang 5 taon mula matapos ang trabaho, kung hindi regular ang employment ay maaaring  ihabla ang itinuturing na employer upang matanggap ang lahat ng sahod, leave at bakasyon at mga benepisyo na hindi natanggap o hindi maaaring patunayag natanggap.

Halimbawa, sa kasong walang katibayan ng pagtanggap ng sahod dahil ito ay ibinigay ng cash, ang employer ay maaaring hatulang ibigay muli ang lahat ng sahod ng part timer mula sa simula hanggang sa huli.

Ngunit paano mapapatunayan ng part timer na tunay na nag-trabaho sa kanyang employer sa kawalan ng katibayan?

Ang pagpapatunay ng ibang worker na nagta-trabaho sa parehong address o building ay maaaring kumpirmahin ito at maging witness. Maaaring kamag-anak na naghatid sa trabaho o sinumang nakakita ng pagta-trabaho dito.

Ang pagkakaroon ng witness ay sapat na sa kawalan ng anumang nasusulat na katibayan na magpapatunay ng pagkakaroon ng employment.

Sa kasong tanggihan ng Cassazione ang colf dahil sa kawalan ng katibayan ay hindi nangangahulugang hindi na makakakuha pa ng mga katibayan. Ang colf ay maaaring ipagpatuloy na ipaglaban ang karapatan sa Hukom dahil ang employer ay kailangang palaging may katibayan ng pagbibigay ng sahod kahit pa ito ay hindi sapat na dahilan upang parusahan ang employer. Tandaan hindi dapat palampasin ang hindi pagbabayad ng kontribusyon at bakasyon kung mayroon man.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Dapat Malaman tungkol sa Pangangalaga sa ating mga Mata

22% ng mga workers, mas mababa sa € 9 per hour ang sahod