in

22% ng mga workers, mas mababa sa € 9 per hour ang sahod

Ang 22 % ng mga workers ng pribadong kumpanya (hindi kasama ang sektor ng agrikultura at mga domestic worker) ay tumatanggap ng sahod na mas mababa sa € 9 (gross) kada oras, na  mas mababa sa pamantayan ng panukalang batas ukol sa minimum wage na tinatalakay sa Senado sa kasalukuyan.

Ang datos mula sa Inps ay inilahad kamakailan sa Labor Committee sa Senado. Ayon dito, ang 9% ng mga workers ay tumatanggap ng mas mababa sa € 8 (gross) kada oras habang ang 40% naman ay tumatanggap ng mas mababa sa € 10 (gross) kada oras.

Bukod dito, isinilawat din ng Inps sa Labor Committee sa Senado na tumatanggap naman ng mas mababa pa sa €9 gross per hour sa domestic job, ang sektor kung saan patuloy ang pagtaas ng irregular job o lavoro nero. Sa katunayan, sa pagitan ng 2012 at 2017 ay bumaba umano ng 15% ang bilang ng mga regular na colf, mula 1.01 milyon sa 864.526. Dahil dito, hiling ng Inps na isaalang-alang ang isang minimum wage na magtatanggal sa irregular jobs.

Sa pagtatalaga ng minimum wage ng €9 (gross) per hour, paliwanag ng Istat – ay tinatayang aabot sa 2.9 milyong mga workers ang magkakaroon ng mas mataas na yearly average o ng € 1.073. Ayon pa sa Istat tinatayang 21% ng mga laborers ang tatanggap ng kabuuang halaga ng sahod na 3.2 bilyon.

Ang unemployment rate, sa South ay 18.4% sa taong 2018, o ang tatlong doble ng unemployment rate sa North (6.6%) at dalawang doble naman ng Central (9.4%). Bagaman ang unemployment rate ay bumaba sa taong 2018 sa 10.6% mula 11.2% ng 2017.

Kahit sa mga kabataan ay bahagyang bumuti ng 2.6% ang unemployment rate. Sa katunayan, ang bilang ng mga unemployed ay bumama ng 151,000 (mas mababa ng 5.2%) kumpara noong 2017. Ito ay tumutukoy sa mga naghahanap ng trabaho ng 12 buwan.

Ang pagtaas naman ng bilang ng mga employed ay esklusibong tumutukoy sa mga mayroong ‘contratto a tempo determinato’ (+323,000 – +11.9%) habang makalipas ang apat na taong pagtaas ay bumaba naman ang mayroong ‘contratto a tempo indeterminato’ (-108,000 o -.7%)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Colf na nag-trabaho ng ‘nero’ at walang nasusulat na katibayan, maaari bang ihabla ang employer?

Pangarap na sentrong tanggapan ng FEDAFILMO, natupad na