in

Request sa pagkuha ng personal sa balota para sa Overseas Voting, extended hanggang April 15

Sa isang komunikasyon ay ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Italya na extended hanggang April 15 ang pagre-request para kunin ng personal ang mailing packet mula sa Comelec na naglalaman ng balota.

Hindi na April 5 tulad ng unang inanunsyo at ito ay ginawang April 15, upang pahintulutan ang maraming registered voters na kunin ng personal ang balota at hindi na ipadala sa koreo.

Bukod dito, pati ang mga lumipat ng tirahan at iba na ang home address ay pinapaalalahanan din na magpadala lamang ng komunikasyon sa Embahada sa Roma at Konsulado Heneral sa Milan.

Ang request ay maaaring gawin sa pamamagitan ng email sa ov2019romepe@gmail.com, at sa pamamagitan ng social media account ng Embahada.

Samantala, matapos gawin ang request, ayon pa sa anunsyo, ay maaaring kunin ang balota sa Embahada hanggang April 30, 2019 maliban sa April 18 at 19, matapos gawin ang request. 

PAALALA: Ang Embahada at Konsulado ay magpapatuloy sa pagpapadala ng balota sa koreo sa kawalan ng anumang abiso o request. 

Kahit ang Philippine Consulate General in Milan ay nagbigay din ng extension para sa request at komunikasyon ng bagong address hanggang sa April 15 gamit ang mga forms na ito.

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang araw ang pinahihintulutang sick leave na hindi mawawalan ng trabaho ang colf??

Voter’s ID, hindi kailangan sa Overseas Voting 2019 sa Italya