Ang mga mailing packet mula sa Comelec ay ipapadala ng Philippine Embassy in Rome at Philippine Consulate General in Milan sa mga registered voters sa Italya, maliban sa mga nag-request na kukunin ang balota ng personal sa Embahada at Konsulado.
Ito ay naglalaman ng mga sumusunod:
- Gabay sa Botante o Instruction to Voters
- Paper seal
- Ballot Envelope
- Balota
Matapos matanggap ang mga mailing packet, sundin ang sumusunod na paraan sa pagboto bilang Overseas Voter:
- Itim na ballpen lamang ang maaaring gamitin sa balota.
- Markahang maigi ang loob ng ‘oval’ ng mga pangalan ng napiling 12 Senador at acronym ng Party-List Representative.
- Suriing mabuti ang balota. Ito ay dapat na mayroong napiling boto para 12 Senador at 1 Party-List lamang. Ang labis sa bilang ay itututring na invalid ang bolota.
- Itupi ang balota tulad ng tupi nito ng ito ay mataggap at isilid sa envelope.
- Lagyan ng pangalan at pirmahan ang harapan sa kaliwang bahagi ng sobre. Ang Ballot Envelope na walang lagda ng botante ay magiging Invalid Ballot.
- Gamitin at idikit ang paper seal sa likod ng sobre.
- Huwag kalimutan ang maglagay ng postage stamp at ipadala sa koreo.
- Maaari ring ipadala o dalhin ang balota sa Embahada o Konsulado.
- Siguraduhin lamang na matatanggap ang balota bago ang 12:00 ng tanghali ng 13 Mayo 2019 sa Italya.
Ang Embahada at Konsulado ay bukas para sa Overseas Voting para sa pagtanggap ng mga balota mula April 13 (alas 8 ng umaga) hanggang May 13 (alas 12 ng tanghali). Mula April 14 hanggang May 12, alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon.