Kahit rehistradong botante ay hindi makakaboto kung nabigyan ng Italian citizenship dahil kasabay nito ay awtomatikong nawawala ang Philippine Citizenship at samakatwid ay nagtatanggal ng karapatang bumoto bilang Pilipino.
Ito ay ayon sa FAQS on Overseas Voting for the 2019 Philippine Elections na inilabas ng Embahada ay naglilinaw kung sino at hindi ang makakaboto sa nalalapit na eleksyon.
Kung sakaling naging Italian citizen at matatanggap ang mailing packet na naglalaman ng balota, pinakikiusapang ipag-bigay alam lamang ito sa Embahad o Konsulado sa pamamagitan ng email o ng social media account.
Gayunpaman, ang karapatang bumoto ay maaaring muling matanggap kapag muling naging Filipino citizen (dual citizen) sa pamamagitan ng Citizenship Retention and Re-acquisition.
Kahit rehistradong botante ay hindi makakaboto kung nabigyan ng Italian citizenship dahil kasabay nito ay awtomatikong nawawala ang Philippine Citizenship at samakatwid ay nagtatanggal ng karapatang bumoto bilang Pilipino.
Alamin kung registered voter at kung nasa listahan ng Certified List of Overseas Voters ng Comelec.
Listahan ng mga Registered Voters sa Rome at South Italy.
Listahan ng mga Registered Voters sa Milan at North Italy. (Ikalawang listahan at Ikatlong listahan)