in

Decreto Flussi 2019, nasa Official Gazette na!

Opisyal ng inilathala ngayong araw ang D.P. C. M. 12.03.2019 o ang Decreto Flussi 2019 sa Official Gazette n. 84 na nagtatalaga sa regular na pagpasok sa bansa ng mga seasonal workers.

Sa nabanggit na dekreto ay nasasaad ang mga bilang o quota ng mga dayuhang manggagawa na regular na makakapasok ng Italya upang mag-trabaho bilang mga seasonal, non-seasonal at self-employed workers.

Tulad ng unang inilathala, walang ipinagbago sa nakaraang taon, kahit ngayong 2019 ang mga non-European workers na pahihintulutang makapasok ay may kabuuang bilang na 30,850, partikular:

A. 12,850 para sa non-seasonal at self-employment;

  • 500 para sa mga non-Europeans na residente sa ibang bansa na nakatapos ng formation courses sa sariling bansa (batay sa articolo 23 ng legislative decree 286/25 July 1998);
  • 100 workers na mayroong italian origin, mula sa mga bansang Uruguay, Brazil, Venezuela, Argentina para sa non-seasonal at self-employment job
  • 2,400 ang non-EU nationals na pinahihintulutan para sa self-employment (lavoro autonomo).

Muli, pinahihintulutan ng dekreto ang conversion ng mga permit to stay sa lavoro subordinato mula

  • permesso di soggiorno per lavoro stagionale – 4750;
  • permesso per studio (pag-aaral), internship (tirocinio) at/o formazione professionale (vocational courses) – 3500;
  • EC long term residence permit na inisyu ng ibang member State ng EU – 800.

At pinahihintulutan din ng dekreto ang conversion ng mga permit to stay sa lavoro autonomo mula

  • permesso di studio (pag-aaral), internship (tirocinio) at/o formazione professionale (vocational courses) – 700 at
  • mula EC long term residence permit na insyu ng ibang member State ng EU 100.

B. 18,000 para sa seasonal workersmula sa mga bansang:

Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.

Kapansin-pansin na hindi kabilang sa mga bansa ang Pakistan tulad sa mga nakaraang taon.

2,000  naman ng bilang na nabanggit ay nakalaan para sa multi-entry seasonal permit (nulla  osta  pluriennale) ng mga seasonal workers (ng mga bansang nabanggit sa itaas) na nakapasok na sa Italya para sa seasonal job ng kahit 1 beses sa loob ng nakaraang 5 taon.

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DID o Dichiarazione di Immediata Disponibilta’, ang halaga nito sa issuance ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

Click day ng Decreto Flussi 2019, malapit na!