Upang magkaroon ng access sa mga serbisyo online ng Sportello Unico per l’Immigrazione ay esklusibong sa pamamagitan lamang ng SPID ID o ang Sistema Pubblico d’Identità.
Ito ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magbibigay access sa anumang online services ng Public Administration.
Sa katunayan, mula aplikasyon ng ricongiungimento familiare hanggang Italian citizenship, mula sa conversion ng permit to stay hanggang sa booking ng Italian language test ay kailangan ang SPID ID.
Sa seksyon na lamang ng integration agreement at Italian citizenship (na naisumite na), maaaring gamitin hanggang sa kasalukuyan ang dating paraan.
At sa lahat ng mga gagamit ng online service ng Sportello Unico, kahit ang pagsusumite ng aplikasyon online ng kalalabas lamang na Decreto Flussi 2019 ay sa pamamagitan lamang ng SPID.
Anu-ano ang mga kailangan upang magkaroon ng SPID ID?
- Dapat ay nasa wastong gulang o 18 anyos;
- Email address;
- Tel number;
- Balidong dokumento;
- Codice fiscale o tessera sanitaria.
Upang magkaroon ng SPID credentials ay maaaring pumili sa 8 identity provider at mag-register sa kanilang website.
Basahin din: