in

Paano makakapasok sa Italya para sa trabaho?

Narito ang ilang pangkaraniwang katanungan ukol sa kung paano makakapasok sa Italya para sa trabaho bilang seasonal worker.

Ang bilang ng mga dayuhang pinahihintulutang makapasok sa Italya para makapag-trabaho bilang subordinate workers, seasonal workers at mga self-employed ay itinatalaga sa pamamagitan ng Decreto Flussi. Ito ang batas na nagsasaad sa pamamaraan at sa bilang ng mga dayuhang manggagawa na maaaring makapasok sa bansa.

Ang huling Decreto Flussi para sa employment ng mga non-seasonal workers ay noong 2010 (D.P.C.M. ng Nov 30, 2010).

Samantala, taunang itinatalaga ang decreto flussi per lavoro stagionale (seasonal), lavoro autonomo (self-employment) at para sa mga workers mula sa mga bansang Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil bilang mga Italian origins.

Paano makakapagtrabaho sa Italya bilang seasonal worker?

Ang pagpasok sa Italya ng mga non-Europeans bilang seasonal workers, tulad ng nabanggit, ay possible lamang sa pamamagitan ng Decreto Flussi.

Ang application for employment o ang richiesta nulla osta per lavoro stagionale ay ginagawa ng employer – na maaaring Italian o dayuhan na regular na naninirahan sa Italya – na nagtataglay ng sapat na requirements na hinihingi ng batas, para sa manggagawang dayuhan na mula sa bansang napapaloob sa decreto flussi.

Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Ivory Coast, Egypt, Ethiopia, Republic of Macedonia, Philippines, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Mali, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Sudan, Tunisia, Ukraine.

Ang proseso ng pagpasok para sa non-seasonal at seasonal workers ay halos magkapareho ngunit ginawang mas mabilis at mas madali ang para sa mga seasonal workers.

Ito ay gagawin ng employer online, sa website ng Ministry of Interior.

Sa anu-anong sektor maaaring mag-trabaho ang mga seasonal workers?

Ang mga sektor kung saan maaaring makapag-trabaho ang mga seasonal workers ay ang Agrikultura at Turismo. Ang mga nabanggit ay nasasaad sa D.P.R. 1525/1963 at ito rin ay nasasaad sa aplikasyong matatagpuan sa website ng Ministry of Interior.

Gaano katagal bago lumabas ang nulla osta per lavoro stagionale?

Ang nulla osta per lavoro stagionale ay ibibigay ng Sportello Unico per l’Immigrazione sa loob ng 20 araw mula sa petsa ng aplikasyon.

Maaari bang part-time lamang ang kontrata bilang seasonal worker?

Oo,maaaring part-time lamang ang kontrata sa kundisyong hindi bababa sa 20 hrs per week. Ang sahod ng seasonal worker ay hindi dapat mas mababa sa itialagang minimum wage sa sektor.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Decreto flussi 2019: Ihanda ang aplikasyon, narito ang mga forms

FilCom sa Toskana , nakipag-konsultahan sa Head of Post ng COMELEC ukol sa Postal voting