in

ZUMBATHON Charity Event ng Hyper Megara Fitness Club, tagumpay!

Nasa ikatlong taon na ng pagdaraos ng Zumbathon Charity Event ang Hyper Megara Fitness Club sa pamumuno ni Zumba Instructress Hazel Magdamit. Nitong Abril, ay idinaos ito sa Centro Zonarelli , via Sacco 14, Bologna, na katuwang ang Laguna and Friends Association (LAFA) na pinamumunuan nila Mario Garcia at Joy Alvarez. Sinuportahan ito ng mga miyembro ng kanilang grupo  at ng mga kababayaang mahilig sa Zumba at sayaw. Inihandog nila ang nalikom na pondo para sa mga pangangailangan sa paaralan ng mga batang mag-aaral na naging biktima ng salanta ng bagyo sa Cordillera Region noong buwan ng Setyembre 2018.

Dinaluhan din ito ng mga kilalang Zumba instructors o ZIN gaya nila Ellen Joy  Spies mula sa Bolzano,  Maribeth Caballar Piano ng Zumba Energetic Moms ng Bologna, Jhu Ilagan ng Milano, at Nastassia Cardinale ng OrAnge ng Bologna.

Di rin nagpatalo sa kasiglahan sa sayaw-ehersisyo sa loob ng dalawang oras ang mga kababaihan at ilan ding kalalakihan  mula sa iba’t ibang organisasyon ng komunidad ng mga Pilipino at maging ng mga ibang nasyon. Siyempre pa ay di mawawala ang mga pagkaing Pinoy na kanilang pinagsaluhan at bahagi na rin ng pagdiriwang ng kaarawan ni ZIN Hazel.

Matapos nito ay pumili ng mga nagwagi para sa iba’t ibang  kategoriya:

Best in Zumbathon 2019 – Ms. Lynds Magdamit
Best in Fitness Attire – Ms. Gina Gonzales
Seller Queen – Ms. Julita Utrera Asi
Most Friendly – Ms. Tess Botz Peralta
King of the Crowd – Mr. Erecson Chantengco
Most Numerous Group – ZEM Group by ZIN Ibet Caballar

Ang taunang Zumbathon  ay magpapatuloy sa kanilang hangarin na makapag-ingganya sa mga nais maging masigla,  malusog at maayos ang pangangatawan at isang paraan din ng pagtataguyod ng adbokasiya sa pagtulong sa mga nangangailangang kababayan sa Pilipinas o dito man sa Italya.

 

 

Dittz Centeno-De Jesus

larawan ni: Gianfry Nepitelli

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, sangkot sa aksidente

Modus sa pagkilala ng International Protection, 13 arestado sa Cagliari