in

8 billion euros na buwis ng 2018, nagmula sa mga imigrante

Tinatayang aabot sa 8 billion euros ang Irpef o buwis na binayaran ng  mga imigrate na nagta-trabaho sa Italya sa taong 2018. Ito ay katumbas ng 4.3% ng kabuuan.

Higit ng 3.6% kumpara noong 2017 na mula sa 3.9 milyong tax payer na dayuhan at nagdeklara ng kita o sahod na halos ang kabuuan ay 53 billion euros.

Ito ay sa kabila ng mabagal na usad ng ekonomiya pati na rin ang tax evasion mula sa libu-libong irregulars o lavoro nero.

Ang ulat ay mula sa Moressa Foundation upang bigyang halaga ang kontribusyon ng mga dayuhan regular sa usapin ng buwis.

Mula sa 4 na milyong dayuhang tax payer na nagta-trabaho sa Italya, 700,000 ay mga Romaninas. Ang ikalawang komunidad naman ay ang Albanians, 287,000 na nagdeklara ng kita o sahod na halos 14,000 euros kada taon. Sinundan ng mga Moroccans, 227,000 tax payers at pagkatapos ay ang mga Chinese na mayroong 196,000 tax payers.

Halos kalahati ng tax return o dichiatazione dei redditi o ang 48% nito ay mayroon namang yearly income na 3,700 lamang. Gayunpaman, ang average na  halaga ng dichirazione dei redditi – kasama ang mga Germans, French at mga Swiss ay € 13,700 sa taong 2018.

Samantala, ayon sa Agenzia dell’entrate ay nananatiling mababa pa rin ang halaga ng irpef dahil na rin umano sa partial tax evasion sanhi ng mababang deklarasyon ng oras ng trabaho kumpara sa tunay na oras ng trabaho.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Summer, nalalapit na!

Domestic job na napapaloob sa Decreto Flussi 2019, nilinaw ng Assindatcolf