in

Civil Union, pinahihintulutan ba ng batas ng Italya?

Ang batas 76 ng May 20, 2016 ay nagbibigay ng karapatang legal sa pagsasama ng dalawang tao na pareho ang kasarian o ang tinatawag na ‘unione civile.

Sa katunayan sa talata 20, artikulo 1 ng nabanggit na batas ay binibigyang diin ang pagkakapareho sa batas ng civil union at ng kasal. At ito ay nagpalawak sa pagpapatupad ng artikulo 29 ng Batas sa Imigrasyon o ng Testo Unico sull’Immigrazione.

Sa pagkakapantay ng mag-asawa at legal na pagsasama ng parehong kasarian ay maaaring magkaroon ng dalawang partikular na kaso batay sa sitwasyon ng mga dayuhan sa Italya:

  • Parehong dayuhan at ang isa sa dalawa ay regular na naninirahan sa Italya;
  • Isang dayuhan at isang Italyano.

Family Reunification

Sa kasong ang couple ay parehong dayuhan at ang isa sa dalawa ay regular na naninirahan sa Italya ang huling nabanggit ay may karapatang mag-aplay ng nulla osta al ricongiungimento familiare para sa partner na residente sa labas ng Italya ayon sa artikulo 29 ng Testo Unico sull’Imigrazione.

May katulad na proseso at requirements sa family reunification process ng sinumang dayuhang nag-petisyon ng asawa mula sa ibang bansa.

Tandan ang civil union na ginawa sa labas ng bansa ay itinuturing na tila naganap sa Italya, katulad rin ng kasal. 

Carta di soggiorno per familiare di cittadino EU at Citizenship

Kung ang couple ay isang Italyano at isang dayuhan, ang huling nabanggit ay may karapatang magkaroon ng carta di soggiorno per familiare di cittadino EU batay sa artikul 30 ng Testo Unico sull’Immigrazione, sa parehong kundisyon na ipinapataw sa kabiyak na dayuhan ng isang Italyano.

Samanalata, makalipas ang dalawang taon ay maaaring mag-aplay ng Italian citizenship ang dayuhan tulad ng pinaiiral na batas sa kasalukuyan sa citizenship by marriage.

Ang civil union ay ang pagsasama ng same-sex copules na kinikilala ng batas. Kinikilala nito ang halos o lahat ng karapatan na mayroon ang kasal, maliban sa salitang ‘kasal’.

Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan ay walang batas ang kumikilala sa pagsasama ng dalawang tao na pareho ang kasarian sa Pilipinas.

Basahin rin:

Ang “I DO”, nina Jemarie at Claidel

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga telephone numbers para sa impormasyon ukol sa Reddito di Cittadinanza: mula aplikasyon hanggang sa pagtanggap ng benepisyo

European Election 2019: Gabay sa Pagboto – Kailan, paano at sino ang boboto