Ang 14th month pay, mas kilala sa tawag na 14esima ay isang uri ng karagdagang sahod na nakalaan lamang sa ilang uri ng trabaho. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa isang buwang sahod at karaniwang ibinibigay bago ang bakasyon (o ferie), partikular sa buwan ng Hunyo-Hulyo.
Ngunit dahil walang angkop na batas ukol sa karapatang ito ng mga manggagawa, ang regulasyon nito ay ibinabatay sa CCNL o contratto collettivi nazionale del lavoro. At sa ilang kaso, ito ay batay sa kasunduan ng employer-worker pati na rin sa individual contract ng worker.
Ito ay nasasaad sa mga CCNL ng settore Terziario-Commercio e Turismo, Studi professionali, settore alimentare, logistica e autotrasporto.
Samantala, ito ay hindi nasasaad sa CCNL ng lavoro domestico at samakatwid ay hindi kabilang ang domestic job sa mga kategoryang tumatanggap ng 14esima.