in

Pinoy, nanganganib ng 7 taon at kalahating pagkakabilanggo sa kasong sexual abuse

Isang 45 anyos na Pilipino ang nanganganib ng pagkakabilanggo ng 7 taon at kalahati dahil sa kasong sexual abuse sa isang menor de edad. Ang hatol, lalabas sa July 29.

Ayon sa mga ulat (Corriere della Sera, Il Messagero, La Cronaca di Roma, etc) isang care taker o portiere na Pinoy sa isang residential building sa Piazza Bologna, Roma ang kinasuhan ng pang-aabuso sa anim na taong gulang ng mga magulang nito na nagan,ap noong nakaraang taon.

Ang Pinoy na kilala umano ng mag-asawang Italyano ng halos 30 taon na, ay ang pinagkatiwalaang baby sitter tuwing Biyernes ng gabi sa dalawang anak nito, isang babae na 6 na taong gulang at isang batang lalaki na 10 taong gulang.

Ngunit naging bangungot para sa 6 na taong batang babae ang pagsapit ng araw ng biyernes na nakatawag pansin sa mga magulang nito. Ayon sa ulat, ilang buwang itinago ng bata ang segretong pagpapatulog umano dito, ang ‘grattini’ sa maseselang bahagi ng katawan nito upang makatulog.

Ayon pa sa ulat, sa ginawang hearing ay kinumpirma umano ng bata ang pang-aabuso. Samantala, wala namang nakitang pang-aabuso sa  CCTV sa loob ng tahanan ng mag-asawa.

Ang Pinoy ay may asawa at anak na 22 anyos na ipinanganak sa Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Patente a punti, mga dapat malaman ng mga motorista sa Italya

Permesso di soggiorno per gravidanza, maaaring i-convert sa permesso di soggiorno per familiari?