Muling nagbabala ang Ministry of Health ukol sa nagbabalik na heat wave sa Europa, partikular sa Italya.
Itinaas ng Ministry of Health sa red alert ang 13 lungsod sa Central North kung saan inaasahan ang matinding init hanggang 40° bukas, June 25.
Kabilang dito ang Bolzano, Brescia, Perugia, Florence, Turin, Bologna, Frosinone, Genoa, Roma, Verona, Trieste, Pescara at Rieti.
Sa kabilang banda, inaasahang mas mababa naman ang temperatura sa South kabilang ang mga lungsod ng Palermo, Reggio Calabria, Messina, Bari at Cagliari.
Bukod sa Italya, ay nararanasan din ang heat wave sa Spain at France, partikular sa Paris kung saan itatala ang 41° bukas.
Matinding init din ang mararamdaman sa Germany at Great Britain, partikular sa London na magtatala ng 35°.
Wala ring ligtas sa heat wave ang Scandinavian countries.