FIilipino Migrants of Reggio Calabria, Food and Game Festival 2019, inilunsad.
Nagkaisa at nagsama-sama ang 5 asosasyon, 1 pederasyon, 1 kapatiran at 2 religious group sa paglulunsad ng isang programang pinamagatang “FIilipino Migrants of Reggio Calabria, Food and Game Festival 2019”.
Layunin ng mga grupo na magkaisa ang bawat Pilipino sa Reggio Calabria at kalapit na lugar. Nakiisa rin at naging panauhin ang mga kababayan mula Messina at Cosenza.
Nagkaroon ng maiksing programa sa umaga at nagbigay ng mensahe ang mga namumuno sa bawat grupo. Nagbigay rin ng awitin at sayaw ang ilang mga panauhin.
Samantala, tuwang-tuma ang panauhing pandangal na si Hon. Consul Avv. Francesco Mortelliti at binati nya ang mga grupong nagkaisa dahil sa tagumpay ng programa.
Pagkatapos ng programa ay nagkaroon ng kumpetisyon sa mga inihandang pagkaing Pilipino ng mga grupo at indibiduwal na naghanda ng tig-iisang putahe para ipanlaban. Naging hurado sina Consul at may bahay nito na si Avv. Anna Rossa Carullo, Maurizio Chirico, Dott. Angelo Minissale at Pastor Georgio Irrera na pawang mga Italiano.
Nakatanggap ng trophy ang mga nanalo.
1st prize: ang Kaldaretang baka ng Batangas ng Tau Gamma;
2nd prize; ang Chicken butter ng Luisiana Laguna ni Merse Oracion at
3rd prize: ang Menudo ng Nueva Ecija ng FASSCASI at Kare-Kare ng AFW.
Pagkatapos ay inumpisahan naman ang palaro tulad ng tag of war, sack race, pabitin at marami pang iba. May palaro din para sa mga bata at para sa matatanda. Bawat nanalo ay nakatanggap ng medalya.
Ang programa ay nilahukan ng FASSCASI sa pamumuno ng Presidente na si Carmen Perez, FASCURAI ni Pres. Romy Lafuente, AFW ni Pres. Mark Francis Magtibay, GT Virgilio Loyola ng Tau Gamma, Resp. Gregorio Panaglima ng Seventh Day Adventist, Pres. Jerry Almoite ng BPS/ETS, Pres. Jeffrey Peralta ng ICOM, Bise-Pres. Ricky Rosales ng Forza Filippine, Pres. Miriam Macabeo ng FASCURAI Messina at Pres. Garry Jamito ng simbahang Katolika na bagamat walang nakarating sa kanila sa araw ng programa ay nagpaabot din ng kaunting tulong.
Inaasahan ng mga namumuno at ng Konsulado na ang programa ay maging magandang halimbawa ng pagkakaisa ng mga migranteng Pilipino sa Reggio Calabria.
Sina Arthur Cosino at Renchie Inovejas ang naging emcee ng programa.
Carmen Perez