in

Pagtatanggal ng cash salary sa domestic job, isinusulong!

Tracciabilità sa sahod ng mga colf o ang pagkakaroon ng patunay at tuluyang pagtatanggal ng cash salary, isinusulong sa Parlyamento upang labanan ang tax evasion, ang ‘lavoro nero’ o ang undeclared job.

Ang sahod ng mga colf, caregivers at babysitters ay maaaring magkaroon ng malaking pagbabago kung tatanggapin ng Parlyamento ang isinusulong ng Court of Auditors sa ginawang pagdinig kamakailan sa Senado.

Partikular, binigyang-diin ng Court of Auditors ang paglaban sa tax evasion at inaasahan nito ang magiging tagumpay ng obbligo di pagamento tracciato sa domestic job.

Kaugnay nito ayon sa mga report, ay wala pa umanong naitatala o nababalitaan man lang na pag-aalsa ng mga asosasyon at unyon sa pagtatanggal sa cash bilang paraan ng pagbibigay ng sahod sa domestic job.

Matatandaang simula noong July 2018, ay obligado ang pagbibigay ng sahod na mag-iiwan ng ‘traces’, samakatwid sa pamamagitan ng bank o postal tansfer, tseke o anumang uri ng online payment at tanging domestic job lamang ang excluded sa nabanggit.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang magka-ibang address, maaari ba sa ricongiungimento familiare?

Free Medical Check-up, handog ng Santo Padre sa World Day of the Poor