in

Filipino Karate Team ng Roma, humakot ng medalya sa Germany: 3 gold, 1 silver, 4 bronze medals

Walong medalya ang hinakot ng mga kabataang Pinoy ng Associazione Istruttori Filippini Arti Marziali (AIFAM), Italy mula sa grupo ng Okinawan Karate Club sa Roma sa isinagawang World Fudukan Karate Championship sa Germany kamakailan.

Ayon kay Patricio Cura Ramos, founder ng Okinawan Karate Club, nakasungkit ng 3 gold, 1 silver at 4 bronze medals ang mga kabataan Pinoy.

Ang mga kabataang Pilipino na nakakuha ng medalya sa kumite at kata category ay sina Kevin Abiad Olivera, gold (kumite); Tiago Zainodin; gold (kumite); Liam Johnson Hernandez, gold (kumite); Paquito Holand, silver( kumite) at bronze (kata); Arion Koise Abiad Catapang, bronze (kumite); Johannes Carbonilla, bronze (kumite); Iycee Rose Farro , bronze (kumite).

Ang mga atleta na sumali sa World Fudukan Karate Championship ay mula Italy, Serbia, Czech Republic, Portugal, Germany, Russia, Belarus, Slovenia, Bosnia & Herz, Philippines, Hungary, Poland, Austria, Greece, Armenia, Cyprus, Ukraine, Belgium, Uzbekistan.

Ang AIFAM, Italy ay itinatag noon 2015 at ang Okinawan Karate Club, Rome ay kasali dito at ang president nito sa Italy ay Ericson Arthur Duano Manaog . Sya ang nagdala ng mga atletang Pinoy sa Germany upang ilaban sa World Fudukan Karate Championship.

Ang Okinawan Karate Club ay may 18 taon na bilang isang karate club sa Roma. (ni: Luisita Raquel Garcia)

                                                                                                      

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Tagumpay ng Battle of the Barangays!

Halos 47,000 aplikasyon ng Decreto Flussi Stagionali 2019