Pumalo sa halos 47,000 ang mga aplikasyon para sa seasonal job ng decreto flussi stagionali 2019, ayon sa Ministry of Interior.
Ayon sa pinakahuling ulat na inilabas ng Ministry noong Nov 12, sa ginawang question time sa Commission on Constitutional Affairs, sinabi ni Interior vice minister Matteo Muri, na halos 10,000 na ang mga nulla osta o working permit na nai-released sa loob ng halos 47,000 mga aplikasyong natanggap ng ahensya.
Samakatwid, malaking bahagi sa bilang ng natanggap na aplikasyon ay hindi na masusuri at ang mga ito ay hindi na maituturing na tanggap dahil 18,000 lamang ang bilang na pinahihintulutan sa dekreto 2019.
Ang mga nai-released na nulla osta ay batay umano sa nasyunalidad ng mga mangagagawa na hiniling ng mga kumpanya: 48% ay tumutukoy sa mga Inidians, sinundan ng mga Moroccans 21% at mga Albaninas 12%.
Samantala, para sa nakatakdang bilang na 12,850 para sa conversion ng mga permit to stay at partikular para sa pagpasok ng mga Italian origins mula sa Argentina, Uruguay, Venezuela at Brazil, ang aplikasyon ay nasa 9,000 at 90 pa lamang ang mga nailalabas na nulla osta. Nangunguna pa ring nasyunalidad ang Indian na may higit sa 3,000 aplikasyon.