in

Covid19 may apat na tipo sa Italya

Nadiskubre ng mga Doktor sa Universidad ng Milan, departamento sa pananaliksik para sa mapanganib at nakahahawang sakit ang mga sanga ng Covid19, ayon kay Massimo Galli.

Natuklasan na ang virus ay nagsanga-sanga ng pagbago, bagamat ang orihinal ay yaong nanggaling sa Wuhan Tsina. Sinabi pa ni G. Galli na, “malaking bagay ito para makatuklas ng panlaban gamot sa Corona Virus. Kahit pa alam natin na di ito magiging madali. Nakita natin ito sa himaymay ng DNA ng ating pasyente na sinuri sa Codogno. Dahil dito malalaman natin kung gaano karami at paano naganap ang pagbago (mutate) ng virus mula sa nahawa ng galing sa Tsina”.

Dahil sa nadiskobreng ito, maari ng mapag-ibaiba ang lakas at bagsik ng virus na kumakapit sa isang indibidwal. Alin ang pinaka-agresibo at pinaka-nakakahawa. Naihiwalay na ang (Autochthonus), o yaong niluwal mismo sa lugar at walang pinanggalingan na iba. Madali ng matutukoy sa ngayon paano ito nakakapanatili at gaano katagal sa kapaligiran.

Naging batayan ng pag-aaral ang magkakaibang kaso kung paano at saan nahawahan ng covid19. Matatandaan na ang 38 taong gulang na residente ay nanggaling Tsina at tinatayang doon niya siya nahawa ng virus. Samantalang ang isang dermatologist ay bumiyahe naman ng Pransya at Alemanya nitong Enero kung saan hindi pa nababalita ang sa ngayon ay Epidemya. Mayroon din na walang rekord ng pagbiyahe subalit naging positibo sa covid.

Lumaki ang posibilidad mula sa pag-aaral na ito na makadiskubre ng pangontra (antidote) laban sa covid19. Kailangan lang kumuha ng mga sampol ng sipon o sa dugo (muco), mapiga sa hibla nito ang virus at makita ang mga detalye. Sa una ay susubukan sa mga hayop ang gamot (vaccine) at kung tumalab ay maari na itong gamitin sa mga tao.

Sa kasalukuyan, 29 na ang namamatay bunga ng covid19, 1049 ang mga nahawahan at 50 ang nagsigaling na kabilang ang 2 Tsino sa Roma. Patuloy pa rin pinagbabawal ang mga malakihan na pagtitipon, mga field trip at iba pang mga kahalintulad na aktibidad batay sa DLcovid19 na inilabas ng Gobyerno ng Italya. (ni: Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Immune System at Paano Natin Ito Mapapalakas Laban sa Covid-19?

1049 katao, positibo sa Covid-19 sa Italya