Kanselado kaya ang aking flight mula Italya at may mandatory quarantine ba pagdating ko sa Pilipinas?
Sa kasagsagan ng Covid-19 sa Italya, ang nabanggit ay ang pinaka pang-karaniwang katanungan na bumabagabag sa maraming Pilipino na planado na ang pagbabakasyon sa Pilipinas ngayong Marso. Samakatwid ay aprubado na ang ferie o leave sa trabaho, mayroon ng ticket at handang-handa na ang lahat sa pagbabakasyon sa Pilipinas.
Ngunit ano nga ba ang mga dapat ikonsidera ng mga Pilipino sa Italya bago tuluyang magbakasyon sa Pilipinas sa panahon ng coronavirus?
Una sa lahat ay siguraduhin ang validity ng mga kinakailangang dokumento mula permesso di soggiorno, pasaporte at iba pa. Kung ang dala ay ang ‘tagliando’ o ‘ricevuta postale’ dahil nasa renewal ang permesso di soggiorno, siguraduhing kumpleto ang mga inilakip na dokumentasyon sa kit postale at mas makakabuting nakapag-finger print na o tapos na ang fotosegnalamento bago magbakasyon sa Pilipinas.
Ikalawa – Para sa iyong flight reservation, huwag maniwala sa sabi-sabi ng marami. Alamin ang mga operational updates ng napiling airline sa pamamagitan ng official website nito, press releases at travel advisory o restrictions kung mayroon man.
Para sa mga Pilipino na magbabakasyon mula sa Italya, narito ang inilathala noong Feb. 28, 2020 ng iatatravelcenter.com
Ito ay nangangahulugan lamang na hanggang sa kasalukuyan ay walang mandatory quarantine o ban sa mga magbibiyahe sa Pilipinas mula sa Italya. Bagay na kinumpirma din ng PCG Milan kamakailan sa Advisory nito:
As of publication, there is no mandatory quarantine or ban imposed on those entering the Philippines, from Italy. For those with scheduled flights, please check with your airline/s on their latest regulations” PCG Milan
Bisitahin din ang official website ng Philippine Embassy to Italy at Philippine Conuslate General sa Milan at mga social media pages nito para sa karagdagang kaalaman.
Ikatlo – Siguraduhin sa tulong ng pinagkakatiwalaang travel agency ang posibleng pagkakaroon ng pagbabago o anumang delay sa flight schedule. Makapag-ugnayan sa kanila para sa inyong mga katanungan.
Ika-apat – Ingatan ang kalusugan. Sundin ang mga tagubilin ukol sa kalinisan sa panahon ng pagbibiyahe. Uminom ng multi-vitamins kung kinakailangan upang maging malakas ang immune system.
“If you are sick, don’t travel. If you have flu-like symptoms, wear a mask and see a doctor. And when you travel wash your hands frequently and don’t touch your face. Observing these simple measures should keep flying safe for all,” ayon kay Dr. David Powell, IATA’s Medical Advisor.
Ikalima – Para sa voluntary cancellation sakaling magdesisyong ikansela ang flight, alamin ang mga kondisyon ukol sa refund. (ni: PGA)