in

Pinoy, nasawi sa atake sa puso habang sakay ng bisikleta

Isa sa tinaguriang “top killer” saan mang panig ng mundo ay ang atake sa puso.

Ito rin marahil ang dahilan ng pagkamatay ng isang pinoy sa Lecce kahapon, ika-6 ng buwan ng marso. Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari sa Via Cesare Battisti, ang 39-anyos na biktima ay bigla na lamang bumagsak sa kalsada, bandang alas sais ng gabi, habang minamameho ang kanyang bisikleta. Wala umanong malapit na maaaring nakasaging sasakyan o ibang taong maaaring naging dahilan ng kanyang pagbagsak mula sa kanyang sinasakyang bike.

Agad na tumawag ng saklolo ang mga nakakita sa pangyayari at ang rescue team ng 118 ay agad namang rumisponde. Isang ambulansya at isang automedica ang dumating ngunit sa kasawiang palad ay hindi na nila inabutang buhay ang siklista. Dumating din ang mga alagad ng batas at agad na isinara ang kalsada para sa opisyal na imbestigasyon.

Ayon sa mga awtoridad, kinakailangang malinawan na walang nakasaging sasakyan sa siklista at anumang uri ng “foul play”. Sa tulong ng mga cctv ng mga kalapit na gusali, nakita ng mga pulis ang mismong mag-isang pagbagksak ng pinoy mula sa kanyang sinasakyang bisikleta. Matapos makumpirmang walang iba pang sangkot sa insidente ay itinurn-over ang labi ng nasawi sa kanyang mga kamag-anak. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr. – ph: trnews)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Ofw sa Italya, nanganganib ba ang trabaho dahil sa covid-19?

Papal Audience at Angelus ng Santo Padre, via streaming