Paano kung ang permit to stay ay expired na? Ano ang dapat gawin?
Ang pagharap sa krisis pangkalusugan hatid ng Covid19 ay nagbigay ng maraming pagbabago hindi lamang sa ating pang-araw-araw na pamumuhay pati na rin sa proseso ng permit to stay.
Ang Ministry of Interior ay kasalukuyang nagpapatupad ng hindi pangkaraniwang hakbang. Una sa lahat ay kailangang tandaan na upang maiwasan ang pagkalat ng virus at upang maproteksyunan ang sarili, pamilya at ang mga taong nakapaligid ay kailangang manatili sa bahay tulad ng tagubilin ng decreto Io Resto a Casa.
Nasasaad sa decreto legge ng gobyerno noong 2 Marzo 2020:
Kung kailangang gawin ang unang aplikasyon, dahil dumating sa Italya sa panahon ng krisis pangkalusugan, na batay sa regulasyon ay kailangang gawin sa loob ng 8 araw, sa decreto legge ay nasasaad ang karagdagang 30 araw upang ito ay gawin (at hindi 8 araw lamang).
Halimbawa, kung dumating sa Italya ng March 3, ay maaaring gawin ang unang aplikasyon para sa first issuance ng permit to stay hanggang April 3.
Samantala, kung kailangang i-renew ang permit to stay, nasasaad na ang validity ng mga nabanggit na dokumento ay extended naman ng 30 araw din. At ayon sa mga eksperto sa imigrasyon, ito ay madadagdagan pa ng 60 araw dahil nananatiling balido ang regulasyon ng renewal ng 60 days before and after ng validity ng dokumento.
Samakatwid, ayon sa mga eksperto sa migrasyon, kung ang permit to stay ay mag-expire ng March 17, 2020, batay sa decreto legge ay magiging April 17, 2020 ang expiration nito. At dahil mayroon pang palugit ng 60 makalipas ng expiration nito, ay may panahon pa hanggang June 17, 2020 sa pagpapadala ng kit postale para sa renewal.
Bukod dito, ang nabanggit na dekreto ay pansamantala ring nagsuspinde sa releasing ng mga permit to stay.
Paano kung ang permit to stay ay expired na? Ano ang dapat gawin?
Sa kasong ang permit to stay ay expired na o malapit na ang expiration, sa kasalukuyan ay hindi maaaring gawin ang proseso ng renewal at kailangang maghintay hanggang April 3, sa pagbubukas ng mga tanggapan at sa pagbibigay ng gobyerno ng mga bagong indikasyon.
Gayunpaman, para sa inyong mga katanungan ukol sa nalalapit na expiration, naka schedule na finger print o fotosegnalamento, at releasing ng mga renewed permit to stay, ay maaaring mag email sa immigrazione.fi@poliziadistato.it, para sa inyong katanungan lakip ang kopya ng ricevuta postale at kopya ng pasaporte.
Ipinapayo rin na suriin ang estado ng renewal ng permit to stay, sa pamamagitan ng ng ‘area riservata’ sa Portale Immigrazione o www.portaleimmigrazione.itat website ng Polizia di Stato ay mayroon ding online para masuri ang estado ng mga permit to stay: http://questure.poliziadistato.it/stranieri.
Basahin rin: Estado ng renewal ng permit to stay, paano malalaman?
Inaasahan ang paggamit sa mga online services at iwasan ang pagpunta sa mga Ufficio Immigrazione na nananatiling bukas lamang para sa mga urgent necessities ng kasalukuyang krisis. (PGA)