in

Italya, isa sa mga Priority Countries sa ilalim ng DOLE-AKAP Program, ang anunsyo ng PCG Milan

Sa pinakahuling post sa official social media page ng Philippine Consulate General in Milan ay nagpapasalamat ang POLO Milan sa naging pagtugon ng mga OFWs na nag-fill out ng Online Job Displacement

Dahil sa impormasyon na inyong isinumete, nakatulong po ito sa pag-assess ng Department of Labor and Employment kung anong mga bansa ang higit na nakaranas ng job displacement dahil sa COVID-19”, ayon sa post. 

Kaugnay dito, para matulungan ang mga documented at ilang qualified undocumented OFWs na nakaranas ng job displacement dahil sa COVID-19, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang DOLE-AKAP Program.

Nagagalak pong ipahayag ng POLO Milan na ang Italya ay isa mga Priority Countries na nakalista na magbebenipisyo sa nasabing financial program ng DOLE”.

Simula 14 April 2020, Tuesday, ang mga OFWs sa Milan at Northern Italy na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ay maaring mag-submit ng APPLICATION ONLINE for financial assistance ng DOLE-AKAP Program sa pamamagitan ng mga sumusunod na links:

Nairto ang mga link para sa Application Online: 

https://sites.google.com/…/pol…/home/online-application-form

O

https://bit.ly/polomilandoleakap

Ang mga covered at qualified OFWs ay makakatanggap ng one-time financial assistance sa halagang 200USD o ang katumbas nito sa euros. (source: PCG Milan FB page)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lockdown sa Italya, extended hanggang May 3

FAQS ukol sa DOLE-AKAP Program para sa mga OFWs sa Milan at Northern Italy