Ang mga sumusunod na impormasyon ay inilathala ng POLO Milan DOLE-AKAP para lamang sa OFWs sa Milan at Northern Italy at ukol lamang sa implementasyon ng DOLE-AKAP Program.
Ano ang DOLE-AKAP Program?
Ito ang Financial Assistance program na inilunsad ng Philippine Department of Labor of Employment(DOLE)para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs)na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Ano ang layunin ng DOLE-AKAP Program?
And DOLE-AKAP Program ay alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act ng ating pamahalaan. Ang pangunahing layunin ng DOLE-AKAP Program ay para magbigay ng pinansyal na ayuda sa milyon milyong OFWs sa iba’t ibang bansa na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Higit sa lahat, nais ng DOLE na ilaan ang pinansyal na ayuda sa mga OFWs na higit na nangangailangan dahil sa kawalan ng tulong mula kanilang employer o sa pamahalaan ng bansang pinagtratrabahuan.
Magkano ang makukuhang financial assistance?
Ang mga covered at qualified OFWs ay makakatanggap ng one-time financial assistance sa halagang 200USD o ang katumbas nito sa Euros.
Sino ang mga OFWs na covered ng DOLE-AKAP Program?
- landbased or seabased workers
- na documented or regular – ibig sabihin nito, na-process or na-verify ng POEA or POLO ang employment contract ng worker
- OR dating documented worker na naging undocumented worker (i.e.,dating na-process ng POEA or POLO ang contract of employment ngunit hindi nakapagpa-verify uli ng kontrata nang nagpalit ng trabaho)
- OR undocumented worker na gumawa ng aksyon para i-regularize ang kanilang contract of employment
- OR undocumented worker na active OWWA member sa oras ng pag-apply sa DOLE-AKAP Program.
Sino ang qualified na mag-apply for financial assistance?
- dapat nasa jobsite; or nasa Pilipinas bilang Balik-Manggagawa at hindi naka balik sa jobsite dahil sa COVID-19; or na-repatriate sa Pilipinas dahil sa COVID-19; at
- dapat hindi nakakatanggap ng sweldo or financial support mula sa employer; or hindi maaring mag-file ng disoccupazione; or hindi entitled makatanggap ng tulong mula sa Cura Italia.
Anu-anong mga bansa ang makakabenepisyo sa DOLE-AKAP program?
Ang mga covered at qualified OFWs lamang na mula sa mga Priority Countries na labis na naapektuhan ng COVID-19 ang maaring makatanggap ng financial assistance. Ang Italya ay isa sa mga na-identify na Priority Countries sa ilalim ng DOLE-AKAP Program.
Paano mag-apply ng financial assisatance under DOLE-AKAP Program?
Maaring mag-apply ONLINE ang mga OFWs na taga Milan at Northern Italy sa alinman sa mga sumusunod na links:
https://sites.google.com/view/polomilandole-akap/home/online-application-form O https://bit.ly/polomilandoleakap
Anu-ano ang mga dokumentog kailangang isumite sa POLO Milan pag mag-apply?
Dapat isumite ONLINE kasabay sa pag-fill out ng APPLICATION ONLINE ang mga sumusunod na dokumento:
- Copy ng valid passport;
- Permit to stay katulad ng permesso di soggiorno, carta di soggiorno or carta d’identità atbp.
- Proof ng pagiging documented worker katulad ng OEC, verified contract, atbp.
- Proof ng pagkawalan ng trabaho katulad ng denuncia mula sa employer, notice of termination, certification mula sa employer, records ng INPS, atbp.
- Maari rin manghingi ng additional documents ang POLO Milan, depende sa assessment ng application.
Pagka-sumite ng online application, paano malalaman ng applicant na natanggap ang application nila?
Makakatanggap ang aplikante ng notice sa kanilang email na natanggap na ng POLO Milan ang kanilang application at sisimulan nang i-process at i-verify and mga impormasyon at dokumentong isinumite.
Siguraduhing valid email address ang inilagay sa application form upang makatanggap ng e-mail confirmation of receipt of application at iba pang komunikasyon ukol sa estado ng inyong application.
Gaano katagal ang pag-proseso ng application?
Mula sa pagkatanggap ng application, sisimulan na ang pag-proseso ng application. Maaring tawagan ang aplikante ng POLO Milan para i-verify or i-validate ang mga impormasyon at dokumentong isinumite o kung mayroon mang karagdagang katanungan. Ang proseso ay aabot ng 5-10 working days.
Lahat ba ng mag-aaplay ay automatic na makakatanggap ng 200USD financial assistance?
Ang mga covered at qualified OFWS lamang ang makakatanggap ng financial assistance provided makapagsubmit ng kumpleto at makatotohanang dokumento.
Ang pagbigay ng financial assistance ay depende din sa availability of funds.
Mayroon lamang pong nalaan na budget ang pamahalaan para sa DOLE-AKAP Program. Ang DOKE-AKAP Program ay hindi lamang para sa Italya ngunit pati narin sa iba pang nga Priority Countries na na-identify ng DOLE at para sa mga qualified OFWs na nasa Pilipinas. (source: POLO MIlan)