in

Bayanihan Covid-19 sa Reggio Calabria

Ang bilang ng mga Pilipino sa Reggio Calabria ay tinatayang aabot sa 2,000. At tulad ng kaganapan ng mga Ofws sa buong bansa, marami na rin ang nabawasan at nawalan ng trabaho. 

Ang mga Pilipino ay nagtityagang pumila ng 3 oras sa mga simbahan para sa relief. Minsan fake news, di naman pala magbibigay. Nakakaawa sila. Nagbibigay din naman ang Comune pero di sapat lalo na sa may mga bata”, ayon kay Carmen Perez, ang presidente ng FASSCASI.  

Dito nagsimula ang “Covid 19 Challenge” sa social media sa pangunguna ni Alex Geli. “Ito ang oras na kailangan magdamayan para sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho”, ayon pa sa post. 

Noong una ang hamon ay para sa lahat ng mga asosasyon sa Reggio Calabria ngunit hindi pinalad agad na masimulan bagaman mayroon ng ilang donors. 

Ngunit dahil sa pagnanais na makatulong, matapang na itinuloy nina Alex Geli, Carmen Perez at Necie Digno ang hamon, hindi na bilang mga asosasyon ngunit bilang indibidwal. 

Dito nagsimula ang mga donasyon ng bigas, gatas at cash donations ng € 30 at € 25. 

Umabot sa 70 kilos ang bigas na hinati namin para 35 families. Umabot naman ng 70 ang gatas. May nag donate din ng asukal, pasta, passata at iba pa. Ang mga noodles ay ibinigay ng Asiatic store. May sig.ra na nagbigay ng biscuits at may nagbigay din ng mga itlog. May nag sponsor din ng mga diapers at gatas para sa mga bata. At may nag-volunteer din na sagot naman nila ang delivery, sina Alex Geli at Maricon Anthony Geli. Sa ganyang paraan namin nabuo ang Bayanihan Covid 19 Reggio Calabria”, kwento ni Carmen. 

Ayon kay Carmen ay naisip na nyang gawin ito, kaya lang ang hirap umano kumilos gawa ng quarantine at takot sa kontrol, bukod pa sa pag-iingat sa kanyang kalusugan dahil sakitin na sya. 

Ako na lang ang naghanap ng mga dapat bigyan sa pamamagitan ng pagtawag sa mga kaibigan at nag post ako sa social media. Noong una ay walang nag-comment sa post ko. Sabi ko pag umabot sa quota namin na 35 families stop na kami. Noong makumpleto kahapon ang list ng 35 families, nag pack na ang incharge sa packing at pina picturan ko, doon nagcomment kung sino ang kailangan ng tulong”.

Dahil dito ay magkakaroon pa ng 2nd batch sa pagbibigay ng mga reliefs sa susunod na linggo. Sa katunayan, may nag sponsor na uli ng 50 kilos na bigas.  Mayroon na ring cash donation na natanggap mula sa ibang bansa sa Europa. 

Ang mga naging sponsor ay sina Carmen Perez, Romy Lafuente, Mr. & Mrs. Alex Geli, Necie Digno, Danilo Pascual at Hazel Suelila, Chiara Jane Geli, Asiatic Store Reggio Calabria, Derek Ilao Asilo, Jayson Loyola Linaja, Ronald Saludo, Elvie Mendoza Dimayacyac, Sir. Franco Travia at Maricon Anthony Geli. 

Bukod sa mga nabanggit ay mayroon ding indibidwal na nagpaabot ng tulong sa ilang Pinoy sa Reggio Calabria ngunit itinangging isulat ang kanyang pangalan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FAQS ukol sa DOLE-AKAP Program para sa mga OFWs sa Milan at Northern Italy

Bayanihan sa Catania, may 107 pamilya ang nakinabang