in

Sino ang mga itinuturing na ‘Disoccupato’?

Ako ay isang part-timer na colf at may 2 regular na trabaho. Nabawasan ako ng isang part time dahil sa Covid19. Ako ba ay maituturing na isang Disoccupato?

Ang ‘DISOCCUPATO’ ay ang tawag sa status ng taong hindi nagta-trabaho o walang trabaho o kung may trabaho man ay mababa ang sahod.

Ang mababang sahod na tinutukoy ay hindi hihigit ng € 8.145 sa isang taon para sa lavoro dipendente at € 4.800 naman sa isang taon para sa lavoro autonomo. Ito ay itinalaga sa Joint Circular n.1/2019 ng Anpal at Ministry of Labor, para sa pagsasabatas ng Decreto Reddito di Cittadinanza. 

Itinuturing na nasa status di disoccupazione ang mga taong nagbibigay ng DID o ‘Dichiarazione d’Immediata Disponibilità’ sa trabaho o nakakatugon sa mga sumusunod na kundisyon:

• walang anumang trabaho, subordinate at slef-employment;

• may trabaho ngunit ang kita mula sa lavoro dipendente o autonomo ay katumbas ng buwis (Irpef) o mas mababa sa nakalaang detrazioni fiscali na itinalaga ng artikulo 13 ng Testo Unico Imposte sui Redditi. 

Itinuturing ang isang manggagawa na nasa status ng disoccupazione at maaaring panatilihin ang status na ito kahit pa mayroong trabaho, kung ang sahod mula lavoro dipendente ay hindi lalampas ng € 8.145,00 sa isang taon at sa kaso ng lavoro autonomo naman ay hindi lalampas ng € 4.800,00 sa isang taon.

Kung ang trabaho naman ay higit sa isa, halimbawa ay isang part-timer na colf, mahalagang ang kabuuang ng mga sahod ay hindi lalampas sa itinalag sa lavoro subordinato o ang € 8.145,00 upang maituring na isang ‘disoccupato’.

Samakatwid, sa panahon ng Covid19, para makatanggap ng mga ayuda mula sa gobyerno para sa mga ‘disoccupati’, ay mahalagang alam ang sariling status at bukod dito ay ang pagkakaroon ng DID o Dichiarazione d’ Immediata Disponibilità sa pamamagitan ng mga Centri per l’Impiego o ang dating Ufficio di Collocamento. (PGA)

Basahin din:

DID o Dichiarazione di Immediata Disponibilta’, ang halaga nito sa issuance ng permesso di soggiorno per attesa occupazione

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permessi di Soggiorno, extended ulit ang validity hanggang August 31, 2020

Obligasyon ba ng employer na bigyan ang colf ng mask at disposable gloves bilang proteksyon ngayong Fase 2?