Lahat ay nagsimula sa panukala ni Teresa Bellanova, ang Ministra delle politiche agricole, kung saan hinihiling ang pagre-regular sa 600,000 undocumented na mga laborers, colf at badante nitong nakaraang Abril. Ang panukala ay sanhi ng emerhensyang dulot ng coronavirus na dahil sa ipinatupad na lockdown ay apektado ng paghihigpit ang pagpasok sa bansa ng mga seasonal workers, ay nagtatala ng kakulangan sa mga manggagawa sa agrikultura.
At makalipas ang ilang linggong diskusyon at talakayan sa pagitan ng mga partidong bumubuo sa Majority ay nananatiling walang napakasunduan. Dahilan ng bantang pagbibitiw sa posisyon ni Ministra Bellanova kasama ang partidong Italia dei valori.
Ito ay kasabay rin ng matinding pagsalungat mula sa Oposisyon habang ang PD naman ay sinusubukang makahanap ng pagkakasunduan ng lahat.
Sa kasalukuyan, ang pinag-aaralang solusyon sa kaganapan ng Regularization ng mga undocumented na dayuhan ay dalawa.
Ang una ay ang pahintulutan ang mga employer na umamin sa pag-empleyo ng undocumented na dayuhan o ang tinatawag na ‘emersione‘ sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagpirma ng isang angkop na employment contract. Ang dayuhan na hanggang sa kasalukuyan ay nag trabaho ng ‘nero’, ay dapat na nasa bansang Italya na bago pa man ang petsang March 8, 2020. Matapos ang mga kinakailangang pagsusuri, ay ipagkakaloob ang permesso di soggiorno na ang validity ay katulad ng validity ng employment contract at renewable sa kaso ng pagkakaroon ng bagong kontrata.
Ikalawa ang para sa mga seasonal workers, sa sektor ng agrikultura na nawalan ng trabaho dahil sa krisis ng covid19. Pinag-aaralan ang pagbibigay ng isang temporary permit to stay na layuning makahanap muli ng bagong trabaho ang dayuhan. Ang panahon ng validity ng dokumento ay nananatiling isang malaking diskusyon.
Ang Regularization ng mga undocumented, hindi lamang sa sektor ng agrikultura bagkus pati sa domestic job tulad ng mga colf at badante, ay nasasaad sa draft o ‘bozza’ ng Decreto Maggio ngunit may patlang ukol sa pagbibigay ng permesso di soggiorno.
Tulad ng nabanggit ay malaking diskusyon pa sa kasalukuyan ang validity ng permit to stay para sa layuning makapag hanap ng bagong trabaho. Anim (6) na buwan, ayon kay Provenzano, Ministro per il Sud, na sinang-ayunan naman ni Bellanova, Ministro delle politiche agricole.
Salungat naman ang M5S. Ang Sanatoria o Regularization ay hindi umano tugon sa suliranin sa agrikultura: “Si al lavoro stagionale, no alla Sanatoria”, ayon pa sa M5S.
Bilang solusyon, upang ang okasyon ng regularization ay hindi tuluyang maglaho sa diskusyon, mula anim (6) na buwan sa tatlo (3) buwang kompromiso. Ngunit ang diskusyon ay nananatiling bukas ukol dito. (PGA)