Magbabalik simula May 18 ang pagdiriwang ng banal na misa sa muling pagbubukas ng simbahan sa Fase 2. Narito ang mga pagbabago.
Pinirmahan noong nakaraang May 7 ang protocol o kasunduan sa pagitan ng Conferenza Episcopale Italiana o CEI at ng Palazzo Chigi, ukol sa pagpapatupad ng ilang regulasyon at mga pagbabago sa muling pagbubukas ng simbahan na dapat sundin upang maiwasan ang pagkalat ng kasalukuyang emerhensyang dulot ng pandemya.
Pinirmahan ni Cardinal Gualtiero Bassetti, ang presidente ng CEI, ni Giuseppe Conte, ang presidente ng Konseho ng mga Ministro at ni Luciana Lamorgese, ang Ministro ng Interno, ang gabay sa pagdiriwang ng banal na misa.
- Iwasan ang lahat ng uri ng pagkukumpol-kumpol ng mga tao o ang tinatawag na ‘assembramento’;
- Pagsunod sa social distance ng 1 metro. Samakatwid ang legal representative ng Simbahan (o luogo di culto) ay kailangang italaga ang bilang ng maximum na kapasidad ng lugar;
- Kabilang ang mga boluntrayo sa itinalagang maximum na bilang ng kapasidad at may gamit ng proteksyon sa sarili, ay mangangalaga sa maayos na pagpasok at paglabas ng lugar. Ang distansya ay dapat na 1 metro at kalahati;
- Higit sa isang pintong bukas sa pagpasok at ang mga ito ay pananatilihing bukas para sa patuloy na pagpasok at maiwasan ang ito’y hawakan;
- May suot na mask;
Hindi pinahihintulutan ang pagpasok sa kasong may sintomas ng trangkaso o may ubo; may body temperature na katumbas o mas mataas sa 37.5° o sa kasong may nakasalamuhang positibo sa covid19 sa mga nagdaang araw.
Ang mga person with disabilities ay may reserved seats sa loob ng lugar.
Sa mga entrance ay matatagpuan ang hand sanitizers.
Sa kasong ang bilang ng mga mananampalatay ay higit sa bilang ng maximum na kapasidad ng lugar, ay iko-konsidera ang karagdagang pagdiriwang ng misa.
Ang pari at mga mananampalataya ay may suot na mask.
Ang pagpapatupad ng social distancing ay hindi lamang para sa mananampalataya. Ito ay nangangahulugan na mababawasan din ang bilang ng mga ministro o cocelebrants.
May pahintulot ang presensya ng tumutugtog ng organ (o anumang instrumento), ngunit walang choir.
Wala rin ang pagbibigay ng kapayapaan at ang Komunyon ay ibibigay ng ministro o ng pari na may suot na mask at gwantes, nang may rispeto sa social distance.
Ang offerta ay karaniwang kinokolekta ngunit sa fase 2 ay mayroong angkop na lalagyan ng offer sa entrance o sa mga itinakdang lugar.
Ang mga nabanggit na regulasyon ay kailangang sundin kahit sa pagdiriwang ng Binyag at Kasal at iba pa. Ang Kumpil ay hindi maaaring gawin sa fase 2.
Ang sakramento ng Kumpisal ay kailangang gawin sa malawak at ventilated na lugar.
Para sa pagpapahid ng langis o annointing of the sick, ang ministro o pari ay kailangang may suot na mask at disposable gloves.
Ang mga holy water container na karaniwang nasa entrance ng simbahan ay kailangang walang laman.
Ang buong simbahan ay kailangang sumailalim sa regular na paglilinis gamit ang angkop na disinfectant at regular na pahahanginan.
Sa pagtatapos ng bawat selebrasyon, lahat ng gamit (pati mikropono) ay kailangang gamitan ng disinfectant.
Kung ang simbahan ay hindi makakatugon sa kundisyon ay maaaring gawin ang misa sa open air, sa kundisyong susundin ang ipinatutupad na regulasyon.
Nananatili ang live streaming ng mga misa sa kasong hindi pa rin personal na makakapagsimba. (PGA)