Narito ang mga kasagutan sa mga pangunahing katanungan sa kasalukuyan ukol sa Regularization
Opisyal na bang nailathala ang mag dekreto?
Ang pinal na teksto ng decreto Rilancio kung saan napapaloob ang bagong Regularization ay hindi pa nailalathala sa Official Gazzete, ngunit ang Governo ay naglathala ng mga pangunahing puntos para sa press release.
Para kanino ang Regularization?
Ang Regularization ngayong taon ay nakalaan lamang sa ilang kategorya ng mga manggagawa na itinuturing na nasa sektor na higit na may probema tulad ng agrikultura, pag-aalaga ng hayop at ang domestiko.
Ano ang nasasaad sa dekreto?
Ang pamamaraang nasasaad sa dekreto ay dalawa:
Una ay ang emersione o ang pagre-regular sa mga manggagawang kasalukuyang nagta-trabaho ng hindi regular o ‘nero’. Kung ang mga manggagawa ay dayuhan, sila ay magkakaron ng permesso di soggiorno.
Ikalawa ay para sa mga dayuhang hindi regular, na nagtrabaho sa mga sektor na nabanggit at nawalan ng trabaho. Sila ay bibigayn naman ng permesso di soggiorno temporaneo ng anim (6) na buwan upang maghanap ng bagong trabaho.
Ang teksto ba ay maaaring mapalitan pa?
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang sources, ang mga pangunahing puntos na inilathala na sa ilang mga pahayagan ay hindi na umano mapapalitan pa.
Anu-ano ang mga susunod na hakbang?
Ang Ministry of Interior, sa loob ng 10 araw mula sa pagpapatupad ng decreto, ang magbibigay indikasyon ukol sa paraan ng pagsusumite ng aplikasyon, requirements sa sahod o reddito ng employer at mga dokumentasyong kakailanganin para sa pagsusumite ng aplikasyon.
Basahin din: