Ang aplikasyon ng Regularization ay maaari pa ring isumite kahit ang pasaporte ng colf o badante ay expired.
Ang mga datos ng expired na dokumento ang ilalagay sa aplikasyon ng Emersione ngunit sa araw ng ‘convocazione’ o personal appearance sa Sportello Unico, ang colf o badante ay kailangang dala ang balidong dokumento: pasaporte o anumang dokumento ng pagkakakilanlan na may katumbas na bisa tulad ng pasaporte tulad ng:
- Certificate with generalities mula sa Konsulado o Embahada sa Italya (o attestazione d’identità rilasciata dalla Rappresentanza Diplomatica del Paese di origine in Italia);
- Travel document (o titolo di viaggio per stranieri);
- Pass (o lasciapassare frontiera)
“Tandaan na ang pangunahing dokumento ng pagkakakilanlan bilang dayuhan ay ang pasaporte. Sa kawalan nito ay maaring gamitin ang mga sumunod na nabanggit“, ayon kay Avv. Federica Merlo, eksperto sa tema ng imigrasyon.
Sa araw ng appointment sa Sportello Unico ay kailangang dala rin kahit ang expired na pasaporte na ginamit sa pagsusumite ng aplikasyon ng Regularization. (PGA)