in

Sahod ng kamag-anak hanggang ikalawang grado, maaring isama sa kalkulasyon ng required salary

Para sa Regularization ng colf at badante, ang employer – maaaring Italyano, European o dayuhang mayroong EC long term residence permit (o ang tinatawag noon na carta di soggiorno), ay kailangang may kita o sahod na hindi bababa sa €20,000 sa isang taon. Samantala, hindi naman bababa sa € 27,000, sa kasong ang pamilya ng employer ay may higit sa isa ang may kita. Ito ay patutunayan sa pamamagitan ng pinakahuling dichiarazione di redditi. 

Upang umabot sa nabanggit na required salary, nilinaw ng Inps sa pamamagitan ng Circular n. 2327 ng June 4, 2020, ay maaaring idagdag sa kalkulasyon ang kita o sahod ng asawa at ng kamang-anak hanggang second degree, kahit hindi ‘convivente’ o hindi kapisan sa bahay ng employer. 

Ang mga kamag-anak sa ikalawang grado, ayon sa Inps, ay ang lolo o lola, apo at kapatid.

Ang extension na nabanggit, ay ninais ng DL Rilancio upang higit na bilang ng mga undocumented at irregular jobs ang makinabang ng kasalukuyang Emersione. 

Bukod dito, ang nabanggit na required salary ay hindi kinakailangan kung ang employer ay may sakit o kapansanan na naglilimita sa pagkakaroon ng sariling kakayahan o ‘self-sufficiency’. 

Sa ganitong kaso, ay sapat na ang katibayan ng status ng kapansanan na nasasaad sa batas 104/92.  Ito ay isang medical certificate mula sa ASL o isang public health facility, na nagtataglay ng petsa at detalye na kinakailangang ilagay sa aplikasyon. 

Samantala, ang required salary ng employer sa sektor ng agriculture, livestock and animal husbandry, fishing at aquaculture, na patutunayan sa pamamagitan ng pinakahuling dichiarazione di redditi, ay hindi dapat bababa sa €30,000 sa isang taon. Kung ang aplikasyon ng employer ay para sa higit sa isang worker, ito ay dapat na batay sa kanyang pinansyal na kapasidad. Ito ay sasailalim sa pagsusuri ng Ispettorato Territoriale del Lavoro. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maaari bang magsumite ng aplikasyon ng Regularization kung ang pasaporte ng colf ay expired?

Ako Ay Pilipino

Aplikasyon sa Regularization ng mga colf at badante, 13,000 mula June 1